Mga Katotohanan tungkol sa Pangkalahatang Kumperensya Mahigit 100,000 tao ang dumadalo sa limang sesyon sa Conference Center sa Salt Lake City, Utah, USA Pinanonood ng mga tao sa 221 bansa at teritoryo ang pangkalahatang kumperensya Ang mga mensahe ay isinasalin sa 94 na wika Ang kahoy na ginamit sa pulpito ng Conference Center ay nagmula sa matandang puno ng walnut ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) Ang isang eroplanong Boeing 747—na mga 230 talampakan (70.5 m) ang haba—ay magkakasya sa loob ng Conference Center auditorium Nakapagbigay na si Pangulong Russell M. Nelson ng 84 na mensahe sa pangkalahatang kumperensya sa loob ng 34 na taon niya bilang General Authority Ang organo sa Conference Center ay may 7,667 na mga tubo—ngunit mga 170 tubo lang ang nakikita ng mga manonood Mga 35 mensahe ang ibinibigay sa bawat kumperensya Mahahalagang pahayag na ibinigay sa mga pangkalahatang kumperensya: Set. 1995: “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” Abr. 1998: Pagtatayo ng mas maliliit na templo Abr. 2001: Nagsimula ang Perpetual Education Fund Okt. 2012: Ibinaba ang edad para makapagmisyon Abr. 2018: Pinalitan ng ministering ang home at visiting teaching