Pagpapadama ng Pag-ibig ng Diyos
Kani-kanina lang lumipat ang pamilya namin sa Kentucky. Nagalit talaga ako dahil maiiwan ko ang lahat ng kaibigan ko at kamag-anak. Ibang-iba ang Kentucky sa nakasanayan ko na. Noong una kaming magsimba, nakita ko na kakaunti ang tao roon. Nang malaman ko kung gaano kaliit ang branch namin, nagpasiya ako na sa halip na mag-isip ng masama tungkol dito, kikilos ako.
Kinabukasan, nagpunta kami ni Inay sa tindahan. Bago kami umalis ng bahay, kumuha ako ng isang bungkos ng pass-along cards. Pagdating namin sa tindahan, kumuha ako ng kendi at magbabayad na sana. In-scan ng kahera ang kendi, at iniabot ito sa akin. Ibinalik ko ito sa kanya. Mukhang nalito siya at nagsabing, “Kababayad mo pa lang para dito.”
Sabi ko, “Alam ko, pero regalo ko na ito sa iyo.” Pagkatapos ay sinamahan ko ng isang pass-along card ang kendi. Ngumiti siya at nagpasalamat. Tiningnan niya ang likod ng pass-along card, kung saan isinulat kong, “Lahat ay anak ng Diyos.” Umalis akong masaya, alam na kahit hindi siya sumapi sa Simbahan, may nagawa pa rin akong mabuti.
Kalaunan nang araw na iyon, naalala ko na naiwan ko ang natitirang pass-along cards sa tabi ng cash register! Nang magpunta kami ulit sa tindahan, itinanong ko kung naroon pa ang mga iyon. Pagkatapos ay may nakita ako, at tumigil ako sa paglakad. Mga lima sa cash registers ang may pass-along cards na may nakasaad na, “Lahat ay anak ng Diyos.” Ipinamigay pala ito ng kahera! Napakasaya ko dahil sa ginawa ko.