Mga Bayani sa Lumang Tipan
Si Esther ay Matapang
Si Esther ang reyna ng Persia noon. Hindi alam ng hari na si Esther ay isang Judio. May masamang kaibigan ang hari na namumuhi sa mga Judio. Niloko nito ang hari sa pagsasabi na lahat ng Judio sa lupain ay kailangang patayin. Nagpasiya si Esther na pakiusapan ang hari na iligtas ang kanyang mga kababayan. Ngunit maaari niyang ikamatay ang pagpunta sa trono ng hari. Pinakiusapan ni Esther ang mga Judio na ipag-ayuno siya. Nang pumunta si Esther sa trono ng kanyang asawa, tinanggap siya nito. Inanyayahan niya ito at ang kanyang kaibigan sa hapunan. Doon, sinabi niya sa kanila na isa siyang Judio. Hindi maaaring baguhin ng hari ang batas, ngunit pinayagan siya ang mga Judio na protektahan ang kanilang sarili. Sa tulong ng Diyos, nailigtas ni Esther ang kanyang mga kababayan!
Esther
Si Esther ay matapang at nanalig sa Diyos. Maaari akong maging matapang at manindigan sa tama!
-
Isaulo ang huling bahagi ng Esther 4:14.
-
Panoorin ang kabanata 45 ng mga kuwento sa Lumang Tipan sa scripturestories.lds.org.
-
Kung sasabihin ng mga magulang mo na nasa hustong gulang ka na, ipag-ayuno ang isang taong mahal mo.
-
Maaari akong maging matapang sa pamamagitan ng …