2018
“Paano ko maaanyayahan ang Espiritu sa aking tahanan samantalang nag-aaway o nagtatalo ang mga tao roon?”
Oktubre 2018


“Paano ko maaanyayahan ang Espiritu sa aking tahanan samantalang nag-aaway o nagtatalo ang mga tao roon?”

young man looking out the window

Magsabi ng Sorry

Noong makipagtalo ako, nalaman ko na ang pagsasabi ng sorry at pag-amin na mali ka, kahit iniisip mo o alam mo na ikaw ang tama, ay nakatutulong na ibalik ang kapayapaan sa silid. Pagkatapos ay lumayo, manahimik, baguhin ang paksa, o humanap ng isang bagay na mapagkakasunduan ninyo. Hindi magtatagal ay babalik ang Espiritu.

Dylan M., edad 15, California, USA

Magmahal Ka Lang

Nalaman ko na ang pagpapakita ng dalisay na pagmamahal sa aking pamilya ay inaanyayahan ang Espiritu na manatili sa aming tahanan. Nagsalita ang propeta tungkol sa pagmamahal bilang dahilan ng pagbabago at balsamong nagpapahilom sa kaluluwa. Ang diwa ng pagmamahal ay naghahatid ng kaligtasan at kapayapaan sa tahanan.

Joseph C., edad 18, Arizona, USA

Kausapin ang Pamilya Mo

Kung hindi miyembro ng Simbahan ang pamilya mo, kausapin sila na hindi maganda ang pakiramdam mo kapag nagtatalo sila at hilingin na magbago sila. Kung hindi ito gumana, magdasal at subukang muli. Kung mga miyembro sila, paalalahanan sila na anak sila ng Diyos at dapat nilang iwasang mag-away.

Carolina S., edad 19, Goiás, Brazil

Magdasal para sa Espiritu

Tuwing nagtatalo ang pamilya, mahirap madama ang presensya ng Espiritu, ngunit hindi ibig sabihin ay hindi mo ito madarama kung karapat-dapat ka. Magdasal nang taimtim para mas madama ang Espiritu ng Panginoon at mas mapansin ang mga paramdam na ipadadala. Matutulungan ka ng Ama sa Langit na madama ang kapayapaan at malaman kung paano higit na maipadarama ang kapayapaang iyon sa inyong tahanan.

Katie G., edad 17, Utah, USA

Subukang Makipagkasundo

Kausapin ang pamilya mo para malutas ang problema sa paraang mapapabuti ang lahat, o magbahagi ng isang talata sa banal na kasulatan o kumanta ng himno. Maaari mo ring hilingin sa Ama sa Langit na tulungan kang lutasin ang problema. Sa ganitong paraan, lahat ay mapapanatag at malulutas ang problema nang hindi na kailangang sumigaw o maging marahas. Siguradong pupuspusin kayo ng Espiritu Santo ng kapayapaan at bibigyan ang lahat ng pagnanais na huwag nang mag-away ulit.

Luis F., edad 14, Playa del Carmen, Mexico