Bahagi ng Isang Walang-hanggang Pamilya
Sa pamamagitan ng sarili kong mga personal na karanasan at sa paglilingkod ko sa Relief Society General Presidency, nakita ko mismo na hindi perpekto ang mga sitwasyon ng mga pamilya ng maraming tao sa mundo. Sa katunayan, hindi ako sigurado kung sino ang mayroong perpektong pamilya! Ang pinakamainam na situwasyon na nakasaad sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo ay ipinapaalala sa atin ang tungkol sa mapagmahal at walang-hanggang pamilya na kinabibilangan na natin. Itinuturo nito na tayong lahat ay bahagi ng pamilya ng Diyos at ipinapaalala nito sa atin na, anuman ang sitwasyon ng ating pamilya sa mundo, ang bawat isa sa atin ay napaliligiran ng mga kapatid na babae at lalaki.
-
Dahil tayong lahat ay hindi perpekto, ang mga sitwasyon ng ating pamilya ay hindi magiging perpekto sa buhay na ito. Ngunit ang Tagapagligtas ay makapagbibigay sa atin ng paggaling. Sa pahina 26, ibinahagi ko kung paano naghatid ng paggaling sa aking pamilya sa magkabilang panig ng tabing ang gawain sa templo ng Diyos.
-
Ang dagdag na kaalaman tungkol sa mga alituntunin sa pagpapahayag ay makatutulong sa inyo na palakasin ang pananampalataya ninyo at ng mga nasa paligid ninyo, anuman ang sitwasyon ng inyong pamilya. Ang mga nilalaman mula sa pahina 12 ay maaaring magpahiwatig sa inyo ng mga ideya sa paggamit ng mga turong ito sa inyong buhay.
Ang ating mga Magulang sa Langit ay nagmamahal sa atin, na kanilang mga anak, at ang ating Ama sa Langit ay may plano para sa bawat isa sa atin. Nangangahulugan ito na may plano Siya para sa inyo. Pakiusap na magpatuloy na lumapit sa Kanya nang may pananampalataya. Tulungan ang inyong walang-hanggang mga kapamilya na maglakbay pabalik sa Kanya. Magbibigay Siya ng pag-asa at paggaling sa inyong paglalakbay. At balang-araw, ang bawat isa sa atin ay magkakaroon ng pagkakataong bumalik sa isang perpekto at walang-hanggang tahanan sa langit.
Nawa’y pagpalain at palakasin kayo ng Diyos,
Sister Reyna I. Aburto
Pangalawang Tagapayo sa Relief Society General Presidency