2020
Paano Ko Dapat Kausapin ang mga Anak Ko tungkol sa Kahalagahan Kapwa ng Kababaihan at Kalalakihan?
Setyembre 2020


Paano Ko Dapat Kausapin ang mga Anak Ko tungkol sa Kahalagahan Kapwa ng Kababaihan at Kalalakihan?

illustration of man and woman

Mga paglalarawan ni Katie Payne

5 Katotohanan na Pag-uusapan

  • Ang bawat isa sa atin ay anak “ng mga magulang na nasa langit.” Ang katotohanang iyon ay nagpapaalala sa atin na kapwa kalalakihan at kababaihan ay mahalagang bahagi ng plano ng kaligayahan. Paano nagiging mas mabuting lugar ang mundo kung ang lahat ng kalalakihan at kababaihan, mga batang babae at lalaki, ay iginagalang ang isa’t isa bilang magkapantay na mahalaga at kailangan?

  • Kapwa kalalakihan at kababaihan ay may “banal na tadhana.” Nangangahulugan ito na kapwa mga babae at lalaki ay may pagkakataong mabuhay sa isang perpektong tahanan sa langit balang araw. Ano ang ilang mabubuting pagpili na tutulong sa inyo na maabot ang iyong banal na tadhana?

  • Ang mga mag-asawa ay dapat “mahalin at kalingain ang bawat isa.” Ano ang ilang paraan para magawa ninyong mahalin at kalingain ang iba?

  • Maaaring magkaiba ang paraan ng pagtulong ng mga ama at ina sa kanilang pamilya, ngunit dapat silang magtulungan bilang magkasama na “may pantay na pananagutan.” Kailan kayo nakakita ng kalalakihan at kababaihan na nagtutulungan nang magkasama sa isang bagay na mahalaga?

  • Kailangang palakihin ng mga magulang ang kanilang mga anak “sa pagmamahal at kabutihan.” Ano ang ilang mabubuting bagay na natutuhan ninyo mula sa isang ina, lola, o iba pang mga babae? Ano ang ilang mabubuting bagay na natutuhan ninyo mula sa mga ama, lolo, o iba pang mga lalaki?

4 na mga Ideya para sa Aktibidad

  • Maghanap ng iba’t ibang kagamitan na nagtutulungan sa paggawa ng isang bagay. Halimbawa, ang kutsilyo at tinidor ay magkaibang-magkaiba, ngunit kapwa makatutulong ang mga ito sa iyo na kumain. Ang kalalakihan at kababaihan ay magkaiba, ngunit pareho silang mahalaga. At kapag sila ay nagtutulungan, magagawa nila ang kamangha-manghang mga bagay.

  • Kulayan ang mga pahina ng magasin sa Kaibigan sa buwang ito na nagpapakita ng kababaihan at kalalakihang tumutulong na pamunuan ang Simbahan.

  • Gumawa ng isang mithiin para tulungan ang iyong pamilya na mas makapagpakita ng paggalang at kabaitan sa kalalakihan at kababaihan.

  • Mag-isip ng isang taong hindi nakaaalam na siya ay mahalaga at minamahal. Paano ninyo siya matutulungan na maunawaan na siya ay minamahal na anak ng mga magulang sa langit?