2020
Paano natin maiiwasang malimutan ang mga espirituwal na karanasan?
Setyembre 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Paano natin maiiwasang malimutan ang mga espirituwal na karanasan?

3 Nephi 1–7

Setyembre 7–13

How can we keep from forgetting spiritual experiences

Namangha ang mga Nephita sa katuparan ng propesiya ni Samuel na Lamanita tungkol sa pagsilang ni Cristo nang makita nila ang isang araw at isang gabi na walang kadiliman (tingnan sa 3 Nephi 1:15–21). Sa kasamaang palad, pagkaraan ng ilang taon, “ang mga tao ay nagsimulang malimutan yaong mga palatandaan at kababalaghan” (3 Nephi 2:1) at pumanig sa kasamaan.

Bakit Napakadaling Nakalimot ng mga Nephita?

Mayroong ilang dahilan kung bakit nalimutan ng mga Nephita ang mga palatandaan at kababalaghang nasaksihan nila. Basahin ang 3 Nephi 1:22 at 3 Nephi 2:1–3, 10 at ilista ang mga paraan na nalimutan ng mga tao ang Panginoon.

Paano ginagamit ni Satanas ang gayon ding mga paraan para linlangin tayo ngayon?

Paano Tayo Hindi Makakalimot?

Sinabi ni Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Gunitain, lalo na sa panahon ng krisis, kung kailan ninyo nadama ang Espiritu at malakas ang inyong patotoo; alalahanin ang mga espirituwal na pundasyong naitatag ninyo. Ipinapangako ko na kung gagawin ninyo ito, … maaalala ninyo ang mahahalagang panahon na lumakas ang inyong patotoo sa pamamagitan ng mapagpakumbabang panalangin at pag-aayuno. Tinitiyak ko sa inyo na muli ninyong madarama ang kaligtasan at kasiglahan na dulot ng ebanghelyo ni Jesucristo.”1

Ano ang maaari mong gawin para mas maalaala ang mga espirituwal na karanasan mo noon?

Tala

  1. Ronald A. Rasband, “Baka Iyong Malimutan,” Liahona, Nob. 2016, 114.

Mga paglalarawan ni Emily Davis