2020
Paano natin maririnig ang tinig ng Diyos?
Setyembre 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Paano natin maririnig ang tinig ng Diyos?

3 Nephi 8–11

Setyembre 14–20

How can we hear Gods voice

Bago ang ministeryo ng Tagapagligtas sa mga Nephita matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, narinig ng mga Nephita ang tinig ng Ama sa Langit na ipinakikilala si Jesucristo bilang ang “Minamahal kong Anak, na siya kong labis na kinalulugdan” (3 Nephi 11:7). Ang karanasan ng mga Nephita ay makapagtuturo sa atin ng maraming bagay tungkol sa paraan kung paano natin maririnig ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo sa ating sariling buhay.

Magpunta sa Templo

Nagtipon ang mga Nephita sa paligid ng templo sa lupaing Masagana (tingnan sa 3 Nephi 11:1). Ang pagpunta sa sagradong lugar na iyon ay nagbigay sa kanila ng pagkakataong marinig ang tinig ng Diyos.

Paano tayo makapaghahanda na pumunta sa templo at marinig ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu?

Damhin ang Kapangyarihan

Noong una, narinig ng mga Nephita ang isang “maliit na tinig” ngunit “hindi nila naunawaan ang tinig ” (3 Nephi 11:3). Ang tinig na ito ay “tumimo sa kanila na nakaririnig hanggang sa kaibuturan” (3 Nephi 11:3).

Paano natin madarama ang kapangyarihan ng “marahang bulong na tinig” ng Espiritu? (tingnan sa 1 Mga Hari 19:11–12).

Buksan ang Iyong mga Tainga

Matapos marinig ng mga Nephita ang tinig sa ikatlong pagkakataon, “binuksan [nila] ang kanilang mga tainga upang marinig ito” (3 Nephi 11:5). Sila ay nagpakumbaba ng kanilang sarili at handang makinig.

Paano tayo makapagpapakumbaba para marinig ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu?

Bumaling sa Pinagmumulan

Nang buksan ng mga Nephita ang kanilang mga tainga, sila ay “walang kurap na tumingin sa langit, kung saan ang tunog ay nanggagaling” at “naunawaan nila ang tinig na kanilang narinig” (3 Nephi 11:5–6).

Mga paglalarawan ni Carolyn Vibbert