2020
Alam ng Tagapagligtas ang Sakit na Nararamdaman Mo
Setyembre 2020


Mga Young Adult

Alam ng Tagapagligtas ang Sakit na Nararamdaman Mo

young adult reading scriptures by the beach

Larawang kuha ni Ashlee Larsen

Sa ating paglalakbay sa mundong ito, sa isang punto ay makararanas ang karamihan sa atin ng kapaguran mula sa stress, ligalig mula sa pagkabalisa, kadiliman dahil sa kalungkutan, o maging (tulad sa aking sitwasyon) pagkamanhid dahil sa depresyon. Nadarama ng karamihan sa atin ang mga ito sa landas tungo sa kaligayahan at kagalakan, at maaaring madali tayong makaramdam ng kawalang pag-asa dahil sa mga ito.

Ang mga problema sa kalusugang pangkaisipan ay maaaring dumating nang hindi mo inaasahan. Kapag ikaw ay nasa misyon at nakatuon nang labis sa ibang tao kaya nakakalimutan mo na ang iyong sarili. Kapag ikaw ay mayroong sanggol at nararamdaman mong dapat ikaw ang pinakamasayang tao sa buong mundo, ngunit sa totoo lamang ay hindi ka masaya. Kapag nawalan ka ng mahal sa buhay at parang hindi mo kayang mabuhay nang wala sila. O maging kapag tila maayos ang lahat, ngunit malakas ang pakiramdam mong mayroong mali sa iyo.

Ito ang mga sandali kung kailan kailangan nating punuin ang ating mga buhay ng kapayapaang hatid ng walang-katapusang pagmamahal ni Jesucristo. Ang ating Tagapagligtas ay palaging nariyan, maging kapag pakiramdam natin ay pinabayaan o nawawala tayo. Naramdaman na Niya ang sakit na nararamdaman mo at alam Niya kung paano tutulong.

Huwag matakot na humingi ng tulong. Bahagi ng plano ng Ama sa Langit ay mahalin at alagaan ang isa’t isa (tingnan sa Mosias 18:21). At iyon ang paksa ng bahaging ito ngayong buwan—pagdaig sa mga hamon sa kalusugang pangkaisipan sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa iba, lalo na sa Tagapagligtas.

Mayroong nagmamahal sa iyo.

Mula sa isang taong patuloy na nahihirapan ngunit hindi sumusuko,

Emilia Brändh