2020
Paano ako maaaring maging asin ng lupa?
Setyembre 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Paano ako maaaring maging asin ng lupa?

3 Nephi 12–16

Setyembre 21–27

How can I be the salt of the earth

Sa ilalim ng batas ni Moises, kailangang timplahan ng asin ang karne bago ito gamitin bilang isang handog (tingnan sa Levitico 2:13). Tulad ng asin na naghahanda sa karne para sa isang handog, makatutulong tayo na ihanda ang mundo para sa Panginoon sa pamamagitan ng pagiging “asin ng lupa” (3 Nephi 12:13).

“Ibinibigay ko sa inyo na maging asin ng lupa; ngunit kung ang asin ay mawalan ng lasa saan kaya ang lupa ay mapapaalat? Ang asin kung magkagayon ay magiging walang kabuluhan, kundi ang itapon at yapakan ng mga paa ng tao” (3 Nephi 12:13; idinagdag ang pagbibigay-diin).

Asin ng lupa: Kapag nakikipagtipan tayo kay Jesucristo, nangangako tayo na ihanda ang mundo para sa Kanyang Ikalawang Pagparito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 34:5–7).

Mawalan ng lasa: Dapat tayong maging “ilaw sa sanlibutan” at tumulong sa ibang tao na lumapit kay Cristo. Kung kaliligtaan natin itong gawin, maaari tayong maging “tulad ng asin na nawalan ng lasa” (Doktrina at mga Tipan 103:9–10).

Walang kabuluhan: Ang asin na nawalan ng lasa ay nagiging walang kabuluhan. Tayo ang asin ng lupa kapag tayo ay “tumayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar kung saan [tayo] ay maaaring naroroon” (Mosias 18:9).

Paglalarawan mula sa Getty Images