2020
Dumalaw si Cristo sa mga Lupain sa Amerika
Setyembre 2020


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Dumalaw si Cristo sa mga Lupain sa Amerika

Basahin ang tungkol dito sa Helaman 14; 3 Nephi 1; 8–11.

Samuel

Mga paglalarawan ni Apryl Stott

Sa Aklat ni Mormon, itinuro sa mga tao ng isang propetang nagngangalang Samuel ang tungkol kay Jesus. Sinabi niya na isang bagong bituin ang magniningning sa pagsilang ni Jesus.

people pointing at star

May mga taong naniwala sa propeta at naghintay sa paglabas ng bituin. Isang gabi, isang bagong bituin ang lumitaw! Ito ay tanda na si Jesus ay isinilang sa isang malayong lupain.

earth

Lumipas ang mga taon. Isang araw, ang buong mundo ay tila nalungkot. May mga lindol at bagyo. Ito ay tanda ng pagkamatay ni Jesus.

Jesus holding children

Naging madilim ang lupain sa loob ng tatlong araw. Pagkatapos ay may nangyaring napakaganda. Dumating si Jesus upang bisitahin ang mga Nephita! Siya ay muling bumangon, na nangangahulugang Siya ay nabuhay na muli. Nakisalamuha Siya sa bawat tao, nang paisa-isa.

children looking at Christus statue

Kilala ako ni Jesus. Matutulungan Niya ako sa madidilim at nakakatakot na panahon. Siya ang Ilaw ng Sanlibutan! â—Ź