Pagbati mula sa Guatemala!
Kumusta, kami sina Margo at Paolo.
Naglalakbay kami sa iba’t ibang panig ng mundo upang matuto tungkol sa mga anak ng Diyos. Samahan kami sa pagbisita namin sa Guatemala!
Ang Guatemala ay nasa Gitnang Amerika. Humigit-kumulang 17 milyong tao ang naninirahan dito, at humigit-kumulang 300,000 sa kanila ang miyembro ng Simbahan.
Mayroong 30 bulkan sa Guatemala. Tatlo sa mga ito ang aktibo! Ang isang ito ay pumutok noong 2015.
Maraming tao ang naglalakbay paroo’t parito sakay ng makukulay na bus.
Ang quetzal na mayroong matitingkad na balahibo ang pambansang ibon ng Guatemala. “Quetzal” din ang pangalan ng pera sa Guatemala!
Ang pamilyang ito sa Guatemala ay magkakasamang nag-aaral ng mga banal na kasulatan. Sino ang kasama mong nag-aaral ng mga banal na kasulatan?
Tinutulungan ng batang lalaki na ito ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagbubuhat ng mga kahoy na panggatong.
Ito ang pabalat ng Aklat ni Mormon sa wikang Cakchiquel. Ang wikang Cakchiquel ay isa sa 18 katutubong wika na sinasalita sa Guatemala! Espanyol ang opisyal na wika ng bansa.
Gumagamit ang ilang pamilya sa Guatemala ng pilas— makukulay na lababo sa labas ng bahay—upang makapaghugas ng pinggan at makapaglaba ng damit.
Kilalanin ang ilan sa ating mga kaibigan mula sa Guatemala!
Kapag nasa trabaho ang aking ina, tinutulungan kami ng mga miyembro ng Simbahan sa pagkain. Itinuro nito sa akin kung paano magbahagi sa ibang tao na wala gaanong materyal na pag-aari.
Darwin M., 9 taong gulang, Sololá, Guatemala
Natutuhan namin na ipinangaral ni Apostol Pablo ang ebanghelyo sa lahat ng tao. Naramdaman ko na tamang ibahagi ang Aklat ni Mormon sa aking mga kaibigan. Isinulat ko ang aking patotoo sa bawat aklat at ibinigay ko ang mga ito sa kanila. Masaya akong malaman na binabasa nila ito.
Ximena L., 9 taong gulang, Sacatepéquez, Guatemala
Taga-Guatemala ka ba? Sulatan kami! Nais naming makarinig mula sa iyo.
Salamat sa pagsama sa amin sa paglalakbay sa Guatemala. Hanggang sa muli!