2020
Si Isaac at ang Templo
Setyembre 2020


Si Isaac at ang Templo

Ang awtor ay naninirahan sa Colorado, USA.

Isaac and the temple

Tumalbog nang paitaas at pababa si Isaac sa kanyang upuan. Sumilip siya sa bintana ng kotse. Bibisita sila kina Lolo at Lola. Mayroon din silang makikitang isang bagay na espesyal.

“Kailan natin makikita ang bagong templo?” tanong ni Isaac kay Inay.

“Bukas,” sabi niya.

Ngumiti si Isaac.

Sa wakas, nasa bahay na ng mga lolo at lola sina Isaac at ang kanyang pamilya.

Kinabukasan, nagsuot si Isaac ng kanyang damit-pangsimba. Parang nakakatawa na magsusuot siya ng kurbata sa kalagitnaan ng linggo. Kumain ng almusal si Isaac kasama ng kanyang pamilya. Pagkatapos ay nagbiyahe na sila papunta sa temple open house. Titingnan nila ang loob ng bagong templo bago ito ilaan.

“Nakikita ko na ang templo!” sabi ni Isaac. Itinuro niya ang puting gusali na may anghel na si Moroni sa tuktok.

Mayroong isang gusali ng Simbahan sa tabi ng templo. Pumunta muna roon sina Isaac at ang kanyang pamilya. Nanood sila ng video. May isang tao na tumulong na maglagay ng mga puting balot sa kanilang sapatos.

Sa wakas ay oras na para pumasok sa templo! Pumasok si Isaac sa pintuan ng templo. Masaya ang kanyang puso.

Nakakita si Isaac ng maraming painting sa dingding. Ang ilang painting ay nagpapakita ng mga taong nagdarasal. Ang ilang painting ay nagpapakita ng magagandang halaman at hayop.

Pagkatapos ay nakita ni Isaac ang isang painting na pinakagusto niya sa lahat. Ito ay isang painting tungkol kay Jesus! Nakatayo si Jesus habang ang Kanyang mga bisig ay nakaunat.

“Mukhang ibinubukas ni Jesus ang Kanyang mga bisig sa akin,” bulong ni Isaac kay Itay.

“Palaging binubuksan ni Jesus ang Kanyang mga bisig para sa iyo,” bulong naman ni Itay sa kanya. “Mahal Niya ang bawat isa sa atin.”

Maganda ang naramdaman ni Isaac sa kanyang puso. Inisip niya na kunwari ay naglalakad siya sa tabi ni Jesus sa templo. Inisip niya na kunwari ay niyayakap siya ni Jesus.

Mahal ni Jesus si Isaac. At mahal din ni Isaac si Jesus! â—Ź