2021
Paano pinagpapala ng karunungan ng Panginoon ang ating buhay?
Pebrero 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Paano pinagpapala ng karunungan ng Panginoon ang ating buhay?

Doktrina at mga Tipan 10–11

Pebrero 1–7

PDF

Nang maiwala ni Martin Harris ang 116 pahina ng manuskrito ng Aklat ni Mormon, sinabi ng Panginoon kay Joseph Smith na, “Tandaan na hindi ang gawain ng Diyos ang nabibigo, kundi ang gawain ng mga tao” (Doktrina at mga Tipan 3:3).

Tingnan ang panahong ito para makita kung paano ginawan ng paraan ng Panginoon ang mga pahina na alam Niyang mawawala.

600 B.C—Talaan ni Nephi

Binigyang-inspirasyon ng Panginoon si Nephi na sumulat ng pangalawang talaan (ang maliliit na lamina ni Nephi). Hindi niya nauunawaan noon kung bakit, ngunit may pananampalataya si Nephi na ito ay “dahil sa isang matalinong layunin” (1 Nephi 9:5).

400 A.D.—Pagpapaikli ni Mormon

Binigyang-inspirasyon ng Panginoon si Mormon na isama ang maliliit na lamina ni Nephi sa kanyang pagpapaikli ng malalaking lamina ni Nephi. Bagama’t kasama sa parehong mga lamina ang karamihan sa magkaparehong mga materyal, nanalig rin siya na iyon ay “para sa isang matalinong layunin” (Mga Salita ni Mormon 1:7).

1828–29—Paghahayag sa Joseph Smith

Sinabi ng Panginoon kay Joseph na huwag nang muling isalin ang nawawalang 116 pahina dahil “inilagay ito ni Satanas sa puso [ng masasamang tao] upang baguhin ang mga salita” upang siraan ang gawa ni Joseph (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 10:10–13). Ang nawawalang mga pahina at ang maliliit na lamina ay sumasaklaw sa parehong kapanahunan (600–130 B.C.)

2021—Naghahanda ang Panginoon ng Paraan

Tulad ng ginawa ng Diyos para sa nawawalang mga pahina, naghanda Siya ngayon ng mga paraan para hadlangan ang mga pagsisikap ni Satanas na pahinain ang ating pananampalataya. Ang ating tungkulin ay maging “matapat at magpatuloy” upang “ang mga pintuan ng impiyerno ay hindi mananaig laban sa [atin]” (Doktrina at mga Tipan 10:3, 69).

Pagsilang ni Cristo

600 BC

0

400 AD

1000

1800

2000

Mga paglalarawan ni Bryan Beach