Narito ang Simbahan
Vestland, Norway
Maraming maliliit na nayon ang nasa baybayin ng Vestland, isang bansa sa timog-kanluran ng Norway na kinalalagyan din ng Bergen, ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa bansa. May Simbahan na sa Norway simula pa nang maganap ang unang pagbibinyag noong 1851.
Pag-aaral nang Magkakasama
“Gustung-gusto namin kung paano kami natutulungan ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa sama-sama naming pag-aaral ng mga banal na kasulatan,” sabi ni Tor Martin Løvstad, na ipinakita kasama ng kanyang asawa na si Tove. Sila ay mga miyembro ng Bergen Ward.