Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ano ang kahalagahan sa iyo ng ebanghelyo ni Jesucristo?
Pebrero 22–28
Si Martin Harris ang nagmamay-ari noon ng isa sa pinakamagagandang sakahan sa Palmyra, New York. Nang dumating ang panahon para mailathala ang Aklat ni Mormon, naisip ni Martin na isangla ang kanyang sakahan para mabayaran ang printer. Ngunit malaking pakikipagsapalaran ito.
Isang Sandali ng Pagpapasiya
Kung tumulong si Martin sa paglalathala ng Aklat ni Mormon at hindi maayos ang benta nito, mawawala ang kanyang sakahan. Kinailangang magpasiya si Martin.
Anong nakatutulong sa iyo sa paggawa ng mahahalagang desisyon? Magkakaroon ba ng epekto sa iyong mga desisyon ang kaalaman tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo?
Isang Kusang-loob na Sakripisyo
Tumanggap si Joseph Smith ng paghahayag na nagsasabi kay Martin na huwag pag-imbutan ang kanyang ari-arian kundi kusang-loob itong ibigay para sa paglilimbag ng Aklat ni Mormon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 19:26).
Ito ay magiging sakripisyo, ngunit ipinaalala ng Panginoon kay Martin na walang tao na higit ang naging sakripisyo para sa mga anak ng Diyos maliban sa Kanya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 19:18).
Bakit bahagi ng ebanghelyo ni Jesucristo ang sakripisyo?
Isang Marangal na Pagkilos
Isinangla ni Martin ang kanyang sakahan, kaya’t nailimbag ang unang 5,000 kopya ng Aklat ni Mormon. Sinabi ni Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan na, “Ang isa sa pinakamalalaking kontribusyon ni Martin Harris sa Simbahan, kung saan dapat siyang igalang sa lahat ng panahon, ay ang kanyang pagsustenso sa paglalathala ng Aklat ni Mormon” (“The Witness: Martin Harris,” Ensign, Mayo 1999, 36).