2021
Sino si David Whitmer?
Pebrero 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Sino si David Whitmer?

Doktrina at mga Tipan 14–17

Pebrero 15–21

PDF

Pumili ang Panginoon ng Tatlong Saksi na makakakita sa mga laminang ginto ng Aklat ni Mormon upang “makapagpatotoo sila sa katotohanan ng aklat at sa mga bagay na naroroon” (2 Nephi 27:12). Isa sa mga saksing ito ay si David Whitmer.

Isang Matulunging Kamay

Narinig ni David ang tungkol sa mga laminang ginto nang bisitahin niya si Oliver Cowdery, na nagsisilbing tagasulat noon habang nagsasalin si Joseph Smith. Kalaunan ay sumulat si Oliver kay David, na nagtatanong kung siya at si Joseph ay maaaring tumira sa kanyang bahay at tapusin ang pagsasalin.

Naglakbay si David nang mga 300 milya (483 km) papunta sa Pennsylvania para dalhin sina Joseph at Oliver sa bahay ng kanyang mga magulang sa New York. Lumago ang interes ni David habang minamasdan niyang isinasalin ni Joseph ang Aklat ni Mormon.

Isang Saksi sa Tuwina

Kasama nina Oliver Cowdery at Martin Harris, ipinakita ng isang anghel kay David ang mga lamina at narinig ang tinig ng Diyos na nag-uutos sa kanila na patotohanan ang nakita nila.

Sa kasamaang-palad, umalis si David sa Simbahan makalipas ang ilang taon at hindi na bumalik, ngunit hindi niya ikinaila kailanman ang kanyang patotoo. Nang malapit na siyang mamatay, isinulat ni David: “Kailanman ay hindi ko ikinaila ang patotoong iyon, o ang anumang bahagi niyon, na napakatagal nang nailathala sa [Aklat ni Mormon], bilang isa sa tatlong saksi. Yaong mga nakakakilala sa akin nang husto, alam na alam nila na nanatili akong tapat sa patotoong iyon. At para walang maligaw o magduda sa kasalukuyan kong mga pananaw tungkol dito, muli kong pinagtitibay ang katotohanan ng lahat ng ipinahayag ko, ayon sa isinulat at inilathala noon” (An Address to All Believers in Christ [1887], 8–9).

1829

New York

Pennsylvania

Fayette

Harmony