2021
Ano ang magagawa natin para sundin ang propeta?
Pebrero 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Ano ang magagawa natin para sundin ang propeta?

Doktrina at mga Tipan 12–13 Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75

Pebrero 8–14

PDF

Naniwala sina Joseph at Polly Knight sa tungkulin ni Joseph Smith bilang propeta sa simula pa lang. Sinuportahan nila si Joseph habang isinasalin niya ang mga laminang ginto, at kabilang sila sa mga unang nabinyagan.

Ang kanilang ari-arian ay madalas masira, at nawala ang marami nilang kaibigan, ngunit ang mga Knight ay naniwala sa ebanghelyo at inilaan ang kanilang buhay sa pagsunod sa propeta at sa pagtatatag ng Simbahan.

Isang paghahayag para kay Joseph Knight

Noong 1829, nakatanggap si Joseph Smith ng isang paghahayag kung paano makatutulong si Joseph Knight sa gawain ng Diyos. Si Joseph Knight ay inutusang “hangaring ihayag at itatag ang kapakanan ng Sion” nang may pagpapakumbaba, pagmamahal, pananampalataya, at pagpipigil (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 12:6–8). Paano tayo natutulungan ng mga katangiang ito na sundin ang propeta at tumulong sa gawain ng Diyos?

Habambuhay na Katapatan

Hindi kailanman nawala ang pananampalataya ng mga Knight sa ebanghelyo at matatag na tumayo sa tabi ni Joseph Smith. Ang buhay nila ay isang patotoo sa nalaman nilang totoo. Tungkol kay Joseph Knight, ganito ang sinabi ni Joseph Smith: “Siya ay matapat at totoo, at pantay makitungo sa lahat ng tao at isang mabuting halimbawa, at marangal at mabait, hindi kailanman lumiliko sa kanan o sa kaliwa. Siya ay matwid na tao” (History of the Church, 5:124).

Paglalarawan ni Dan Burr; larawan ng bukirin ng pamilya Knight na gawa ni Kenneth Mays