Mga Balita sa Simbahan
Makakakuha na Ngayon ng mga Notification sa Gospel Library App
Ang Gospel Library app ay may bagong notifications settings na maaaring mag-alerto sa inyo sa mga inire-release na content. May tatlong uri ng notification: (1) pang-araw-araw na inspirasyon (tulad ng mga talata sa banal na kasulatan at mga sipi mula sa kumperensya); (2) mga paalala (tulad ng mga plano sa pag-aaral at mga notification para sa mga live event); at (3) mga update (tulad ng mga mensahe ng propeta at mga bagong isyu ng magasin ng Simbahan).
Piliin ang inyong notifications settings sa pag-tap sa tatlong dot sa kanang sulok sa itaas ng app at pagpili ng “Mga Setting” at pagkatapos ay “Notifications.”