2022
Si Pangulong Nelson ay Naging Pinakamatandang Pangulo ng Simbahan
Nobyembre 2022


Mga Balita sa Simbahan

Si Pangulong Nelson ay Naging Pinakamatandang Pangulo ng Simbahan

Isinilang noong Setyembre 9, 1924, ipinagdiwang kamakailan ni Pangulong Russell M. Nelson ang kanyang ika-98 kaarawan. Noong Abril 14, 2022, siya ay naging pinakamatandang Pangulo sa kasaysayan ng Simbahan.

Sa pagbanggit sa paglilingkod at buhay ni Pangulong Nelson, sinabi ni Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Siya ay isang inspirado at matalinong lider at ang pinakamahinahon at pinakamagiliw na taong aasamin ninyong makasama.”

Ipinahayag ni Pangulong Henry B. Eyring, Pangalawang Tagapayo, ang kanyang mga iniisip tungkol sa papel na ginagampanan ni Pangulong Nelson bilang propeta ng Panginoon: “Tuwing lalabas kami ng opisina, sinasabi namin ni Pangulong Oaks, ‘Nangyari na naman.’ Makikita na lang ninyong dumarating ang paghahayag. Makikita ninyo siyang humihingi ng payo, at pagkatapos ay darating ang desisyon at alam ng lahat ng nasa silid na iyon ay tama at nagmula sa Diyos. Tahimik lang niyang sasabihing, ‘Palagay ko ito ang nais ng Panginoon na gawin natin.’ Ganoon lang palagi.”