2022
Mga Tampok mula sa Ika-192 Ikalawang Taunang Pangkalahatang Kumperensya
Nobyembre 2022


Welcome sa Isyung Ito

Mga Tampok mula sa Ika-192 Ikalawang Taunang Pangkalahatang Kumperensya

Payapa ang Temple Square noong Ika-192 Ikalawang Taunang Pangkalahatang Kumperensya ng Simbahan. Nahinto sandali ang mga ingay ng konstruksyon sa bakuran at ng seismic retrofiting ng makasaysayang Salt Lake Temple.

Ngunit napuspos ng ibang klaseng kapayapaan ang ating mga tahanan at puso nang pahintuin natin sandali ang mga ingay ng mundo para makinig sa mga buhay na propeta at apostol.

“Mula sa pulpitong ito ngayon at bukas, patuloy kayong makaririnig ng katotohanan,” pagtuturo ni Pangulong Russell M. Nelson na may karaniwang kislap sa kanyang mata. “Mapanalanging hilingin sa Panginoon na pagtibayin na ang narinig ninyo ay totoo” (tingnan sa pahina 29).

Sa buong kumperensya, nagturo ang mga tagapagsalita ng mga katotohanang nagpapalakas ng patotoo, kabilang na ang paggawa at pagtupad ng mga sagradong tipan (tingnan sa mga pahina 95 at 73), pagtanggap ng personal na paghahayag (tingnan sa pahina 16), at pagkadisipulo (tingnan sa pahina 77).

“Habang ginagawa ninyong pinakamataas na prayoridad ang patuloy na pagpapalakas ng inyong patotoo kay Jesucristo,” sabi ni Pangulong Nelson, “hintaying mangyari ang mga [himala] sa inyong buhay” (tingnan sa pahina 95).

Nang matapos ang pangkalahatang kumperensya, nagsimulang muli ang trabaho sa Salt Lake Temple. Nagsimula rin ang trabaho o mga paghahanda sa 125 mga templo sa buong mundo na ibinalita o kasalukuyang itinatayo. Kasama na rito ngayon ang 18 bagong templong ibinalita ni Pangulong Nelson sa huling sesyon ng kumperensya (tingnan sa pahina 121).

“Pinadadali [ng Panginoon] ang pagpunta sa Kanyang mga templo,” sabi ni Pangulong Nelson. “Pinabibilis niya ang pagtatayo natin ng mga templo. Dinaragdagan Niya ang ating abilidad na tumulong sa pagtipon ng Israel” (tingnan sa pahina 121).