“Lesson 2: Sama-samang Pag-aaral Bilang mga Mapayapang Tagasunod ni Jesucristo,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)
“Sama-samang Pag-aaral Bilang mga Mapayapang Tagasunod ni Jesucristo,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo
Lesson 2
Sama-samang Pag-aaral Bilang mga Mapayapang Tagasunod ni Jesucristo
Sinabi ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan, “Ang ‘ama ng pagtatalo’ ay ang diyablo; ang Tagapagligtas ay ang Pangulo ng Kapayapaan” (“Pagmamahal at Pakikisalamuha sa mga Taong Naiiba,” Liahona, Nob. 2014, 26). Sa klaseng ito, at sa buong buhay nila, ang mga estudyante ay haharap sa mga taong may iba’t ibang opinyon. Sa lesson na ito ay pag-iisipan ng mga estudyante kung paano sila makikibahagi sa mga talakayan tungkol sa doktrina, mga turo, mga alituntunin, at kasaysayan ng Simbahan sa diwa ng pagmamahal, paggalang, at kabaitan ni Cristo.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
“Ano ang Bago?”
Ipaalala sa mga estudyante na bilang paghahanda para sa klase ay inanyayahan silang maghanap ng isang balitang naging interesado sila mula sa site ng Newsroom o sa Church News app. Kung kinakailangan, bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto para makapaghanda. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na bumuo ng maliliit na grupo at ibahagi ang nalaman nila. Maaari kang magdispley o magbahagi ng kopya ng mga sumusunod na tanong upang makatulong na mapadali ang talakayan:
-
Bakit interesado kayo sa kuwentong ito? Ano ang natutuhan ninyo?
-
Ano ang napansin ninyo tungkol sa paraan ng pagsusulat ng balita o kuwentong ito?
-
Paano nagagawa ng balita o kuwentong ito na magbatay sa mga turo ng ebanghelyo ni Jesucristo?
-
Habang binabasa at pinag-iisipan ninyo ang kuwentong ito, nakatanggap ba kayo ng anumang mga ideya o impresyon mula sa Espiritu Santo? Kung oo, paano kayo naimpluwensyahan ng mga ito?
-
Sino ang kilala ninyo na maaaring mapagpala ng impormasyon sa balita o kuwentong ito? Ano kaya ang pinakamainam na paraan para maibahagi ito sa kanila?
Pagpapadama na kabilang ang lahat
Maaari mong ilahad ang sumusunod na sitwasyon o isang sitwasyon na sa iyong palagay ay mas nauugnay sa iyong mga estudyante:
-
Anong mga problema ang nakikita ninyo sa talakayang ito?
-
Ano ang maaaring mangyari sa pananampalataya at patotoo ni Marcel kung hindi niya nadarama na ligtas siyang talakayin ang kanyang tapat na mga tanong sa iba pang mga miyembro ng Simbahan?
-
Ano kaya ang madarama ng iba na nasa klaseng ito?
Idispley sa pisara ang sumusunod na hindi kumpletong pahayag: Madarama natin na ayos lang ang pagtatanong ng mahihirap na tanong at pagtalakay sa mga sensitibong paksa kung …
Sabihin sa mga estudyante na bumuo ng maliliit na grupo at saliksikin ang mga sumusunod na talata mula sa banal na kasulatan, at alamin ang iba’t ibang paraan para makumpleto nila ang nakadispley na pahayag: Mga Kawikaan 15:1; Efeso 4:15; Mosias 18:21; 3 Nephi 11:29; Moroni 7:3–4; Moroni 7:45.
Matapos ang sapat na oras para sa talakayan, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi kung paano kinumpleto ng kanilang grupo ang pahayag sa pisara. Habang nagbabahagi ang mga estudyante, maaari mong isulat sa pisara ang kanilang mga alituntunin. (Maaari mong itala ang mga katotohanang ito at pagkatapos ay ipakita at muling pag-aralan ang mga ito sa buong kurso.)
Para mahikayat ang matwid na pagkilos, maaari mong itanong ang ilan sa mga sumusunod:
-
Paano mapagpapala ang ating klase kung tatanggapin at ipamumuhay natin ang mga alituntuning ito?
-
Paano nagpakita ng halimbawa si Jesucristo ng pagsunod sa mga alituntuning ito? (Kung may oras pa, maaari mong basahin at talakayin ang Juan 8:1–11.)
-
Kailan ninyo nakitang nagamit ang mga alituntuning ito sa isang talakayan tungkol sa isang mahirap na tanong o sensitibong paksa?
-
Alin sa mga katotohanang ito ang kailangan mong mas maunawaan at mas lubos na maipamuhay? (Bigyan ng oras ang mga estudyante na magnilay at magtala ng kanilang mga impresyon.)
Maaari mong tapusin ang lesson gamit ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Oaks:
Ang mga tagasunod ni Cristo ay dapat maging halimbawa ng paggalang. Dapat nating mahalin ang lahat ng tao, pakinggan silang mabuti, at isaalang-alang ang tapat nilang pinaniniwalaan. Hindi man tayo sumasang-ayon, hindi rin tayo dapat nakikipagtalo. Ang pananaw at pagsasalita natin ukol sa mga kontrobersyal na paksa ay hindi dapat maging dahilan ng pagtatalo. (Dallin H. Oaks, “Pagmamahal at Pakikisalamuha sa mga Taong Naiiba,” Liahona, Nob. 2014, 27)
Para sa Susunod
Ipaalala sa mga estudyante na sa mga lesson 7–14 ay tatalakayin natin ang mga paksang pipiliin ng klase. Sabihin sa mga estudyante na sumulat ng isang tanong tungkol sa doktrina, mga turo, mga alituntunin, o kasaysayan ng Simbahan at dalhin ito sa iyong susunod na klase. Maaari mong gamitin ang ilan sa mga tanong na ito para matulungan kang pumili ng mga paksang tatalakayin para sa mga susunod na lesson na iyon.