“Lesson 6: Pambungad sa Mga Paksa: Pagkakaiba-iba at Pagkakaisa sa Simbahan,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)
“Pambungad sa Mga Paksa: Pagkakaiba-iba at Pagkakaisa sa Simbahan,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo
Lesson 6
Pambungad sa Mga Paksa: Pagkakaiba-iba at Pagkakaisa sa Simbahan
Ang lesson na ito ay magbibigay ng isang huwaran kung paano magkaroon ng makabuluhan at nagpapatibay na karanasan sa pag-aaral ng pananampalataya gamit ang resources na matatagpuan sa bahaging Mga Paksa ng Gospel Library. Sa oras ng lesson, ipaalala sa mga estudyante na kabilang tayo sa isang pandaigdigang simbahan na sumasaklaw sa iba’t ibang kultura, lahi, nasyonalidad, at wika. Magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong isagawa ang sumusunod na huwaran habang tinatalakay nila ang paksa ng pagkakaiba-iba at pagkakaisa sa Simbahan: (1) talakayin ang kaugnayan ng paksa, (2) palalimin ang pang-unawa, (3) magpahayag nang malinaw, at (4) magnilay at magtala.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Pumili ng mga Paksa
Ang mga lesson 7–14 ay batay sa mga paksang pipiliin ng iyong klase upang pag-aralan pa. Pag-isipang laktawan ang isang microtraining o aktibidad na “Ano ang Bago” para sa klase ngayon upang magkaroon ang mga estudyante ng maraming oras para pumili ng mga paksa para sa mga darating na lesson.
Kung sa iyong palagay ay kailangan ng iyong klase nang ilang oras upang pagnilayan ang kahalagahan ng pagtugon sa mga paksa na sila ang pumili, maaari mong hatiin ang klase sa maliliit na grupo at sabihin sa ilang grupo na talakayin ang handout 7 at talakayin ng iba pang mga grupo ang handout 8 mula sa apendiks B. Bigyan ng oras ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang natutuhan. Pagkatapos bilang isang klase, tukuyin ang mga paksang pinakagustong talakayin ng mga estudyante sa natitirang lesson ng kurso.
Talakayin ang Kahalagahan ng Paksa
Depende sa pangangailangan ng iyong mga estudyante, maaari ninyong panoorin ang “Is There a Place for Me?” (3:59) o ang “Diversity Is Good” (0:55).
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Ipinahayag ng Unang Panguluhan [ilang panahon na ang nakakaraan]: “Ang mensahe natin … “ay natatanging pagmamahal at malasakit sa walang hanggang kapakanan ng lahat ng lalaki at babae, anuman ang mga pananalig sa relihiyon, lahi, o nasyonalidad, nalalamang tayo ay tunay na magkakapatid dahil tayo ay mga anak ng iisang Amang Walang Hanggan” (pahayag ng Unang Panguluhan, 15 Peb. 1978).
Iyan ang ating doktrina—isang doktrina ng pagsasama. Iyan ang pinaniniwalaan natin. Iyan ang itinuro sa atin. Sa lahat ng tao sa mundong ito, dapat tayong maging pinakamapagmahal, pinakamabait, at pinakamapagparaya dahil sa doktrinang iyon. (“Doctrine of Inclusion,” Ensign, Nob. 2001, 37)
-
Bakit mahalagang madama ng bawat isa sa atin na may puwang tayo sa Simbahan?
-
Ano ang maaaring makahadlang sa mga tao na madama na kabilang sila sa Simbahan?
-
Paano natin makakamit ang pagkakaisa kapag dumarami ang pagkakaiba-iba sa loob ng Simbahan?
Palalimin ang Pag-unawa
Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong malaman ang iba pa tungkol sa paksang ito sa pamamagitan ng pagtingin sa artikulong “Diversity and Unity in The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints [Pagkakaiba-iba at Pagkakaisa sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw]” sa Gospel Topics at pag-aralan ito nang ilang minuto.
Sabihin sa mga estudyante na talakayin sa isang kapartner o sa maliliit na grupo ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na tanong:
-
Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa pagkakaiba-iba mula sa materyal na ito? Aling mga reperensyang banal na kasulatan ang lubos na nakatulong? Magbahagi ng ilang halimbawa ng naging pinakamakabuluhan sa inyo mula sa artikulong ito.
-
Bakit mahalagang malaman at ibahagi ng bawat isa sa atin kung ano ang itinuturo ng mga propeta at apostol sa panahong ito tungkol sa pagkakaiba-iba?
-
Paano tayo matutulungan ng mga turong ito tungkol sa pagkakaiba-iba na maging lalong katulad ng Tagapagligtas?
-
Paano makatutulong ang materyal na ito na malinaw na maunawaan ang mga posibleng maling pagkaunawa at madagdagan ang tiwala sa Simbahan ng Panginoon?
-
Habang pinag-aaralan ninyo ang materyal na ito, ano ang naging mga impresyon o ideya ninyo at paano kayo naapektuhan ng mga ito?
Magpahayag nang Malinaw
Gawin ang isa sa mga aktibidad na matatagpuan sa mga handout 3–5 sa apendiks B, o gumawa ng sarili ninyong aktibidad.
Magnilay at Magtala
Bigyan ng oras ang mga estudyante na pagnilayan kung ano ang natutuhan at nadama nila sa klaseng ito. Maaari mong gamitin ang mga tanong sa handout 6, “Magnilay at Magtala” (matatagpuan sa apendiks B), para magabayan ang aktibidad na ito.
Para sa Susunod
Batay sa pagpili ng mga estudyante ng mga paksa kanina sa klase, ipaalala sa kanila kung anong paksa ang tatalakayin sa susunod na klase. Sabihin sa mga estudyante na mag-ukol ng ilang oras sa buong linggo para saliksikin ang mga pahina ng Newsroom, Gabay sa Mga Banal na Kasulatan, Pangkalahatang Kumperensya, Tulong sa Buhay, o Mga Paksa para sa kaugnay na resources.