Institute
Microtraining 2: Paano Maging Self-Reliant na Mag-aaral


“Microtraining 2: Paano Maging Self-Reliant na Mag-aaral,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)

“Paano Maging Self-Reliant na Mag-aaral,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo

Microtraining 2

Paano Maging Self-Reliant na Mag-aaral

Tukuyin

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder David A. Bednar

Bilang mga mag-aaral, kayo at ako ay dapat kumilos at maging tagatupad ng salita at hindi tagapakinig lamang na dapat pakilusin. (David A. Bednar, ““Maghangad na Matuto sa Pamamagitan ng Pananampalataya,” Liahona, Set. 2007, 64)

Halimbawa

Pumili ng isang babasahin, o panoorin ang video na “A Teacher,” tampok si Pangulong Howard W. Hunter. Talakayin kung paano nauugnay ang talata o video sa alituntunin ng pagiging self-reliant na mag-aaral.

  • Eter 2:22–25; 3:1, 4–6 (Humihingi ang kapatid ni Jared sa Panginoon ng paraan para ilawan ang mga gabara.)

  • Doktrina at mga Tipan 9:7–9 (Nalaman ni Oliver Cowdery kung bakit hindi niya maisalin ang Aklat ni Mormon.)

  • A Teacher” (2:56) (Ikinuwento ni Pangulong Hunter ang kapangyarihan ng pagiging self-reliant na mag-aaral.)

    2:3

Isagawa

Upang matulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang ibig sabihin ng pagiging self-reliant na mag-aaral, lalo na kapag naharap sa isang mahirap na sitwasyon, ibahagi ang sumusunod na sitwasyon:

Natutuhan ni Sarah sa social media ang isang bagay na nakababahala tungkol sa kasaysayan ng Simbahan. Tinanong niya ang ilang kaibigan tungkol dito. Matapos marinig ang kanilang mga sagot, lalo siyang nalito.

Sabihin sa mga estudyante na makipagtulungan sa isang kapartner o sa maliliit na grupo at talakayin kung ano ang magagawa ni Sarah para maging mas self-reliant na mag-aaral.

Tapusin ang lesson sa pag-anyaya sa isa o dalawang estudyante na ibahagi ang kanilang natutuhan mula sa pagsasagawa ng aktibidad na ito.