“Lesson 5: Pambungad sa Tulong sa Buhay: Pagprotekta sa Ating Sarili Laban sa Pornograpiya,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)
“Pambungad sa Tulong sa Buhay: Pagprotekta sa Ating Sarili Laban sa Pornograpiya,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo
Lesson 5
Pambungad sa Tulong sa Buhay: Pagprotekta sa Ating Sarili Laban sa Pornograpiya
Ang lesson na ito ay magbibigay ng isang huwaran kung paano magkaroon ng makabuluhan at nagpapatibay ng pananampalataya na karanasan sa pag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng resources mula sa bahaging Tulong sa Buhay ng Gospel Library. Tatalakayin ng mga estudyante kung paano mapoprotektahan ang kanilang sarili laban sa pornograpiya, isang kaugaliang salungat sa mga turo ng Tagapagligtas at isang laganap na problema sa buong mundo. Magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong isagawa ang sumusunod na huwaran habang tinatalakay nila ang paksang ito: (1) talakayin ang kahalagahan ng paksa, (2) palalimin ang pag-unawa, (3) magpahayag, at (4) magnilay at magtala.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Batay sa mga pangangailangan ng mga estudyante, maaari mong simulan ang klase gamit ang isa sa mga sumusunod:
-
Isang microtraining mula sa apendiks A
-
Isang talakayan tungkol sa mga balita mula sa Newsroom (tingnan sa handout 1 sa apendiks B)
-
Isang talakayan tungkol sa paksa ngayon
Talakayin ang Kahalagahan ng Paksa
Ibahagi ang sumusunod na pahayag ng lalaking nagngangalang Jason (magkakaroon ka ng pagkakataong ibahagi ang iba pa tungkol sa kuwentong ito kalaunan sa klase):
“Nagsimula ang adiksyon ko sa pornograpiya sa murang edad, noong mga 11 taong gulang ako. Unang ipinaalam ito sa akin ng isang kapamilya na nagpapakita nito sa akin tuwing pupunta ako sa bahay niya. Ipinagpatuloy ko ang aking adiksyon sa loob ng maraming taon.”*
-
Gaano kalawak ang pornograpiya sa ating lipunan?
-
Bakit dapat mag-alala ang isang tao tungkol sa pornograpiya kung hindi ito problema para sa kanila?
-
Sa paanong mga paraan maaaring makaapekto ang pornograpiya sa mga taong nanonood nito at sa mga mahal nila sa buhay?
Palalimin ang Pang-unawa
Sabihin sa mga estudyante na pumunta sa bahaging Pornograpiya sa Tulong sa Buhay. Bigyan sila ng oras na pag-aralan at saliksikin ang resources sa bahaging Pornograpiya. Hikayatin ang mga estudyante na piliin ang isa pang section na pinaka-pumupukaw ng kanilang interes: Tulong para sa Akin, Tulong para sa mga Asawa, Tulong para sa mga Magulang, o Support and Resources.
Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga sumusunod na tanong kasama ang isang kapartner o sa maliliit na grupo at pagkatapos ay talakayin ang mga tanong na gustung-gusto nila at nauugnay sa kanila:
-
Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa resources na ibinibigay ng Simbahan ukol sa pornograpiya? Ano ang inyong natuklasan na lubos na tumatak sa inyo?
-
Naimpluwensyahan ba ng materyal na ito ang inyong pananaw kung paano tinatalakay ng Simbahan ang pornograpiya? Kung oo, paano?
-
Paano mapapalakas ng materyal na ito ang pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan?
-
Paano makatutulong ang materyal na ito sa mga indibiduwal, mag-asawa, o mga lider ng Simbahan?
-
Habang pinag-aaralan ninyo ang materyal na ito, ano ang mga naging impresyon o ideya ninyo, at paano kayo naapektuhan ng mga ito?
Magpahayag
Gawin ang isa sa mga aktibidad na matatagpuan sa mga handout 3–5 sa apendiks B, o gumawa ng sarili mong aktibidad.
Magnilay at Magtala
Bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipang mabuti ang kanilang natutuhan at nadama ngayon. Maaari mong gamitin ang mga tanong sa handout 6, “Magnilay at Magtala” (matatagpuan sa apendiks B), para magabayan ang aktibidad na ito.
Maaari mong ibahagi ang katapusan ng kuwento ni Jason sa paggaling para tapusin ang klase. Tumagal nang maraming taon ang adiksyon ni Jason at naging sanhi ng maraming problema sa kanyang buhay, kabilang na ang pagkawasak ng kanyang kasal sa dalawang babae at ang kanyang pagka-disfellowship sa Simbahan dahil sa mga maling pagpiling ginawa niya dahil sa kanyang adiksyon. Ngunit sa tulong ni Jesucristo, nadaig niya ang kanyang adiksyon. Isinulat niya ang kanyang karanasan:
Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa kapangyarihan ng Tagapagligtas na pagalingin at tulungan tayo.
Para sa Susunod
Ibahagi sa mga estudyante na sa susunod na klase ay tatalakayin natin kung ano ang itinuturo ng bahaging Mga Paksa sa Gospel Library tungkol sa pagkakaiba-iba at pagkakaisa sa Simbahan. Sabihin sa mga estudyante na mag-ukol ng ilang oras sa buong linggo para saliksikin ang resource na ito.