Institute
Microtraining 3: Paano Malalaman kung Mapagkakatiwalaan ang Sources


“Microtraining 3: Paano Malalaman kung Mapagkakatiwalaan ang Sources,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong sa Ebanghelyo (2022)

“Paano Malalaman kung Mapagkakatiwalaan ang Sources,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong sa Ebanghelyo

Microtraining 3

Paano Malalaman kung Mapagkakatiwalaan ang Sources

Ipaliwanag

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Pangulong Dallin H. Oaks

Nabubuhay tayo sa panahon ng labis na pinalawak at pinalaganap na impormasyon. Ngunit hindi lahat ng impormasyon na ito ay totoo. Kailangan tayong maging maingat kapag naghahanap ng katotohanan at namimili ng mga sanggunian para sa paghahanap na iyon. (Dallin H. Oaks, “Katotohanan at ang Plano,” Liahona, Nob. 2018, 25)

Ipakita

Bigyan ang mga estudyante ng sumusunod na handout, at talakayin kung paano makatutulong sa atin ang mga tanong na ito para matukoy ang mapagkakatiwalaang sources.

Mga Tanong para sa Pagsusuri ng Sources o mga Materyal

Pagsagot sa Aking Ebanghelyo—Microtraining 3: Paano Malalaman kung Mapagkakatiwalaan ang Sources

  1. Ano ang mga kwalipikasyon, hangarin, at mga posibleng kinikilingan ng awtor?

    Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan na dapat tayong “maging maingat sa layunin ng taong nagbibigay ng impormasyon. … Ang ating mga pansariling pasiya ay dapat ibatay sa impormasyon mula sa sources na angkop sa pinag-uusapan at walang makasariling layunin” (Dallin H. Oaks, “Katotohanan at ang Plano,” Liahona, Nob. 2018, 25).

  2. Gaano kalapit na nauugnay ang awtor sa mga pangyayaring inilarawan?

    Kapag tinatalakay sa isang materyal o source ang isang bagay mula sa kasaysayan ng Simbahan, itanong sa iyong sarili kung gaano nalilihis ang source mula sa pangyayaring tinatalakay nito. Ang mga kuwento mula sa mga tao na narinig lamang ang mga ito mula sa isa pang tao ay kadalasang hindi gaanong mapagkakatiwalaan.

  3. Sinadya ba ng awtor na balewalain ang makukuhang katibayan upang makapanlinlang?

    Sinasadya ng ilang awtor na alisin ang mahahalagang katotohanan at binabale-wala ang napakahalagang katibayan para suportahan ang kanilang partikular na opinyon.

  4. Nakalahad ba ang mga turo at mga pangyayari na tinalakay sa source o materyal na ito sa wastong konteksto ng panahon, lugar, at kalagayan ng mga ito?

    Nagdudulot ng kalituhan ang ilang turo at pangyayari sa kasaysayan kapag ang mga ito ay inalis sa konteksto ng panahon at lugar nito. Kasama rin sa konteksto ng kasaysayan ang iba pang mga kaganapan sa panahong iyon (tulad ng mga digmaan, krisis sa ekonomiya, at mga kilusan sa lipunan at pulitika) at ang kultura at mga demograpiko ng isang partikular na panahon at lugar.

  5. Suportado ba ang mga turo at pangyayari ng karagdagang mapagkakatiwalaang sources o mga materyal?

    Tumutulong ang iba pang mga suportang mapagkakatiwalaang sources o mga materyal sa pagtatatag ng katumpakan ng doktrina at mga pangyayari sa kasaysayan.

Mga Tanong para sa Pagsusuri ng Sources o mga Materyal

handout ng titser

Isagawa

Aanyayahan ang mga estudyante na pumunta sa pahina ng Links to Gospel Study Resources. Basahin ang unang dalawang talata bilang isang klase. Pagkatapos ay sabihin sa isang estudyante na ipaliwanag ang pagkakaiba ng opisyal na resources ng Simbahan, ng resources na may kaugnayan sa Simbahan, at iba pang mga mapagkukunan. Sabihin sa mga estudyante na alamin ang ilan sa iba’t ibang resources sa mga bahaging ito at ibahagi ang nalaman nila.