Institute
Microtraining 9: Paano Maging Matapang ngunit Hindi Mapanupil Kapag Tinatalakay ang Ebanghelyo


“Microtraining 9: Paano Maging Matapang ngunit Hindi Mapanupil Kapag Tinatalakay ang Ebanghelyo,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)

“Paano Maging Matapang ngunit Hindi Mapanupil Kapag Tinatalakay ang Ebanghelyo,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo

Microtraining 9

Paano Maging Matapang ngunit Hindi Mapanupil Kapag Tinatalakay ang Ebanghelyo

Ipaliwanag

Ipaalala sa mga estudyante na itinuro ni Apostol Pablo ang ebanghelyo nang may katapangan at pananalig. Minsan niyang ipinahayag,“Hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo [ni Cristo]” (Roma 1:16). Masasabi natin na si Pablo ay isang matapang na guro. Pinayuhan ni Alma ang kanyang anak na si Siblon na “gumamit ng katapangan, subalit hindi mapanupil” sa mga pag-uusap tungkol sa ebanghelyo (Alma 38:12). Ipaalam sa mga estudyante na may ilang bagay tayong magagawa upang mailagay sa tama ang ating pagiging matapang at maiwasang pag-isipan na tayo ay nahihiya ngunit iniiwasan din ang panunupil o pagmamalabis. Ipakita at basahin nang sabay-sabay ang mga sumusunod na babala:

  • Lumalabis tayo kapag nagsasaad tayo ng kaalaman nang higit pa sa inihayag ng Panginoon sa pamamagitan ng mga sinaunang propeta noon at ngayon. Nagkukulang tayo kapag inilalahad natin ang mga pangunahing katotohanan ng ebanghelyo sa mga paraang hindi malinaw, hindi pa napagtibay, o walang katiyakan.

  • Tayo ay nagiging dogmatiko kapag ipinapahayag natin ang ating mga opinyon na tila hindi maikakailang katotohanan ang mga ito at hindi natin pinapalampas ang mga bagay-bagay kapag walang malinaw na mga sagot. Nahihiya tayo kapag nabibigo tayong manindigan sa alam nating totoo.

  • Kung hindi natin alam ang sagot sa isang tanong, ang pinakamainam na sagot ay ang sabihin lamang na “Hindi ako sigurado,” “Hindi ko alam,” o “Magandang tanong iyan; pag-aralan pa natin iyan nang magkasama.”

Ipakita

Basahin ang unang dalawang column sa sumusunod na tsart kasama ang mga estudyante upang matulungan silang makita ang mga problema sa pagiging labis, pagiging kulang, at pagiging dogmatiko o mahiyain. Pagkatapos ay gamitin ang column na “Reframe” upang ilarawan kung paano natin magagawang matapang ang orihinal na pahayag ngunit hindi mapanupil.

Pahayag

Problema

Pagbabago

Pahayag

Ang mga lider ng Simbahan ay may banal na awtoridad, at anuman ang kanilang sinabi ay opisyal na doktrina para sa Simbahan.

Problema

Ang bahaging kasunod nito na naka-italics ay isang halimbawa ng pagmamalabis: “Ang mga lider ng Simbahan ay may banal na awtoridad, at anuman ang kanilang sinabi ay opisyal na doktrina para sa Simbahan.”

Kapag nagmamalabis tayo, makalilikha tayo ng di-makatotohanang mga inaasahan para sa ating sarili at sa iba.

Pagbabago

Ang mga lider ng Simbahan ay may banal na awtoridad, at kapag nagsasalita sila sa katungkulan ng kanilang calling sa ilalim ng impluwensya ng Espiritu Santo, matututuhan natin ang nasasaisip at kalooban ng Panginoon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 68:3–4; 2 Ni Pedro 1:21). Gayunman, hindi lahat ng sinabi ng nakaraan o kasalukuyang mga lider ng Simbahan ay itinuturing na “opisyal na doktrina” para sa Simbahan. Ang ating doktrina ay hindi nalilimitahan ng pahayag na may kalabuan at hindi kumpleto. Sa halip, ang doktrina ng Simbahan ay kadalasang itinuturo at ng lahat ng miyembro ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol (tingnan sa “How can I know if something I hear is ‘official doctrine’?,” New Era, Peb. 2017, 41).

Pahayag

Ang mga turo ng Simbahan tungkol sa kasal ay tila hindi na bagay sa panahon ngayon. Marahil balang-araw ay makikibahagi ang mga lider ng Simbahan sa lipunan at aaprubahan ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian.

Problema

Ang pahayag na ito ay nagkukulang sa pagturing sa doktrina ng kasal bilang probisyonal at maaaring sumunod sa mga pagbabago sa lipunan.

Pagbabago

Kinikilala ko na maraming pagbabago sa ating lipunan nitong mga nakaraang taon na may kaugnayan sa pag-aasawa at pamilya. Nagpapasalamat ako na ang Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol ay nagbigay sa atin ng malinaw na tagubilin nang kanilang sinabi na, “Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae ay inorden ng Diyos” (““Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”,” Simbahanni Jesucristo.org).

Pahayag

Mali ang ebolusyon. Sinasalungat ito ng Simbahan. Ang isang taong naniniwala sa ebolusyon ay hindi dapat maniwala na ang Diyos ang Lumikha.

Problema

Ang pahayag na ito ay nagmamalabis dahil hindi pa inihahayag ng Panginoon nang detalyado kung paano Niya nilikha ang lahat ng bagay, kaya hindi natin alam kung o paano naaayon ang iba’t ibang aspeto ng teoriya ng ebolusyon sa Paglikha. Dahil dito, ang Simbahan ay hindi nagbigay ng opisyal na posisyon hinggil sa teorya ng ebolusyon (tingnan sa “What Does the Church Believe about Evolution?,” New Era, Okt. 2016, 41). Dogmatiko rin ito dahil pinapawalang-saysay nito ang isang tanong sa siyensya nang hindi pinangangatwiranan.

Pagbabago

Nagkaroon ako ng ilang tanong tungkol sa ebolusyon. Batay sa pagkaunawa ko, ang Simbahan ay walang opisyal na pahayag sa paksang ito. Hindi ko alam ang anumang paghahayag tungkol sa organikong ebolusyon. Ang natutuhan ko mula sa aking pag-aaral ay ang Diyos ang Lumikha ng mundo, at nilikha Niya sina Adan at Eva sa Kanyang sariling wangis (tingnan sa Mga Paksa, “Paglikha,” SimbahanniJesucrsito.org).

Pahayag

Oo, naniniwala akong totoo ang Aklat ni Mormon. May mabubuting turo ito. Ngunit ang lahat ay may sariling mga katotohanan. Kaya hindi ko sasabihin na mas mahalaga ito kaysa anumang iba pang aklat na mababasa mo.

Problema

Nagkukulang ang pahayag na ito sa pagsasaad ng kahalagahan at kapangyarihan ng Aklat ni Mormon. Ipinapakilala nito ang Aklat ni Mormon sa mahiyaing paraan.

Pagbabago

Oo, naniniwala akong totoo ang Aklat ni Mormon. Naniniwala akong ito ang salita ng Diyos. Kasama ng Biblia, ito ay isang makapangyarihang saksi ni Jesucristo. Itinuturo nito ang mga walang-hanggang katotohanan na maaaring magpabago sa inyong buhay.

Isagawa

Bigyan ang mga estudyante ng sumusunod na handout, at sabihin sa kanila na kumpletuhin ang tsart. Maaari mong hilingin sa mga estudyante na sagutan ang handout nang mag-isa o sa maliliit na grupo.

Pagbabago sa Mga Pahayag para Maiwasang Magbigay ng Labis na Pagsusuri, Kulang na Pagsusuri, Pagiging Dogmatiko, o Pagiging Mahiyain

Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo—Microtraining 9: Paano Maging Matapang ngunit Hindi Mapanupil Kapag Tinatalakay ang Ebanghelyo

Pahayag

Problema

Pagbabago

Sinumang sumailalim sa pagpapalaglag ay nagkasala ng pagpatay. Hindi sila kailanman makakarating sa kahariang selestiyal.

Ang batas ng kalinisang-puri ay parang masyadong mahigpit. Wala talagang nagsasabuhay nito. Nakatitiyak ako na kung talagang mahal ninyo ang isang tao, OK lang sa Diyos na makipagtalik kayo.

Ang bilang ng mga taong binibinyagan ninyo sa inyong misyon ay depende sa inyong pananampalataya. Kapag mas matibay ang inyong pananampalataya, mas marami kayong mabibinyagan.

Kapag sasapi kayo sa Simbahan at isasabuhay ang ebanghelyo, magiging madali ang inyong buhay at iilan lamang ang inyong magiging mga hamon.

Pagbabago sa Mga Pahayag para Maiwasang Magbigay ng Labis na Pagsusuri, Kulang na Pagsusuri, Pagiging Dogmatiko, o Pagiging Mahiyain

handout ng titser

Kung may oras pa, bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang kanilang natutuhan o makapagtanong.