“Microtraining 8: Paano Aanyayahan ang Iba na Kumilos nang may Pananampalataya Kapag Nahihirapan Sila sa Mahihirap na Tanong o Pag-aalinlangan,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)
“Paano Aanyayahan ang Iba na Kumilos nang may Pananampalataya Kapag Nahihirapan Sila sa Mahihirap na Tanong o Pag-aalinlangan,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo
Microtraining 8
Paano Aanyayahan ang Iba na Kumilos nang may Pananampalataya Kapag Nahihirapan Sila sa Mahihirap na Tanong o Pag-aalinlangan
Ipaliwanag
Tulungan ang mga estudyante na makita kung paano nila matutulungan ang iba na tumanggap ng mga sagot sa kanilang mga tanong tungkol sa ebanghelyo. Ipakita at basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf na ibinahagi niya habang naglilingkod sa Unang Panguluhan:
Natural lamang ang magtanong—ang binhi ng tapat na pagtatanong ay kadalasang sumisibol at lumalagong tulad ng malaking puno ng pang-unawa. May ilang mga miyembro ng Simbahan na, sa anumang pagkakataon, ay hindi nagkaroon ng anumang malalim o sensitibong tanong. Isa sa mga layunin ng Simbahan ang pangalagaan at linangin ang binhi ng pananampalataya—ito man ay nasa lupa ng pagdududa at kawalang-katiyakan. (Dieter F. Uchtdorf, “Halina, Sumama sa Amin,” Liahona, Nob. 2013, 23)
Ibigay ang sumusunod na handout sa mga estudyante.
Ipakita
Hilingin sa mga estudyante na maghanap ng mga paraan na kumilos nang may pananampalataya at tingnan ang mga resulta nito. Anyayahan silang magbahagi ng naranasan nila.
Isagawa
Anyayahan ang mga estudyante na gawin ang aktibidad kasama ang isang partner. Sabihin sa kanila na gamitin ang mga alituntunin sa handout na “How to Help Others with Their Gospel Questions” na isadula kung paano nila matutulungan si Jean sa kasunod na sitwasyon. (Ipaalala sa mga estudyante na magtuon sa pagsasanay kung paano tutulungan ang iba upang mahanap nila ang mga sagot sa sarili nilang mga tanong sa halip na magbigay lamang ng kumpletong mga sagot para sa kanila.)
Pagkatapos ng aktibidad na ito, bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang natutuhan nila habang ginagawa nila ito.