Institute
Handout 9: Mga Mungkahi na Maghihikayat ng Nagbibigay-inspirasyong Talakayan sa Maliliit na Grupo


“Handout 9: Mga Mungkahi para na Maghihikayat ng Nagbibigay-inspirasyong mga Talakayan sa Maliliit na Grupo,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)

“Mga Mungkahi na Maghihikayat ng Nagbibigay-inspirasyong mga Talakayan sa Maliliit na Grupo,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo

Handout 9

Mga Mungkahi na Maghihikayat ng Nagbibigay-inspirasyong mga Talakayan sa Maliliit na Grupo

Handout 9: Mga Mungkahi na Maghihikayat ng Nagbibigay-inspirasyong mga Talakayan sa Maliliit na Grupo

Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo—Mga Handout

Sa buong kursong ito, pinakamainam tayong matututo mula sa isa’t isa sa pamamagitan ng tapat at bukas na mga pag-uusap. Ipinayo ng Panginoon, “Magsalita nang isa-isa at makinig ang lahat sa kanyang sinasabi, upang kapag ang lahat ay nakapagsalita na ang lahat ay mapasigla ng lahat, at upang ang bawat tao ay magkaroon ng pantay na pribilehiyo” (Doktrina at mga Tipan 88:122). Isipin kung paano makatutulong ang mga sumusunod na mungkahi.

Magpasimuno.

  • Maliban na lang kung iba ang napagkasunduan, walang lider ng talakayan, kaya hindi mo kailangang maghintay hanggang sa may magbigay ng utos.

  • Kung may nais kang sabihin, magsalita. Maaari mong sabihin ang isang bagay na tulad ng, “May naisip akong nais kong ibahagi.”

Sikaping magkaroon ng balanseng partisipasyon.

  • Pinakamainam tayong natututo kapag naririnig natin ang lahat ng miyembro ng grupo, hindi lamang ang isa o dalawa.

  • Kung kayo ay likas na palakaibigan at makuwento, mangyaring mag-ingat para hindi masapawan ang talakayan o pagsasalita ng iba.

  • Kung kayo ay likas na tahimik at di-gaanong nakikipag-usap, lakasan ang loob at magsalita upang matuto ang iba mula sa inyo. Isantabi ang ideya na hindi mahalaga ang inyong opinyon.

Manatiling nakatuon.

  • Tulungan ang isa’t isa na panatilihin ang pansin sa usapan sa halip na hayaang maiba ang talakayan o makipagkuwentuhan lang sa oras ng klase.

  • Sama-samang magtuon sa pag-aaral sa halip na alalahanin ang tungkol sa pagrereport sa iba pa sa klase.

  • Isaisip na ang isa sa mga layunin ng kursong ito ay ang maging mas maalam. Nangangahulugan ito na bagama’t nasa maliliit na grupo, mahalagang magbase sa pinagkukunang sanggunian sa halip na magbahagi lamang ng sariling opinyon.

Maging mapagpakumbaba at madaling turuan.

  • Ipalagay na matututo kayo mula sa mga kagrupo ninyo, at maging handang baguhin ang inyong opinyon.

  • Maging mas interesado sa pag-aaral ng katotohanan kaysa patunayan ang inyong punto.

Maging mapagbigay-loob.

  • Hayaang gabayan ng pagmamahal ang inyong mga pag-uusap. Pinayuhan ni Apostol Pablo ang mga disipulo ni Jesucristo na magsalita ng “katotohanan na may pag-ibig” (Efeso 4:15).

  • Tandaan na kapag ibinabahagi natin ang ating mga tanong, ideya, damdamin, at karanasan, ginagawa nating madaling masaktan ang ating sarili. Pakitunguhan ang mga ideya ng iba nang may paggalang at dignidad, lalo na kapag hindi kayo sang-ayon sa kanila.

  • Matapos magbahagi ang mga tao ng isang bagay, maaari mong ipakita ang iyong taos-pusong pasasalamat sa kahandaan nilang magsalita. Maaari kang magsabi ng tulad ng “Salamat sa pagbabahagi,” “Nakatulong iyan dahil … ,” “Hindi ko naisip iyon sa gayong paraan,” o “Hindi ako sigurado kung sang-ayon ako, pero nagpapasalamat akong matuto mula sa iyong pananaw.”

Handout 9: Mga Mungkahi na Maghihikayat ng Nagbibigay-inspirasyong mga Talakayan sa Maliliit na Grupo

handout ng titser