Institute
Microtraining 5: Paano Maging Aktibong Tagapakinig


“Microtraining 5: Paano Maging Aktibong Tagapakinig,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)

“Paano Maging Aktibong Tagapakinig,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo

Microtraining 5

Paano Maging Aktibong Tagapakinig

Ipaliwanag

Ipakita at basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Jeffrey R. Holland

““Marahil ay higit na mahalaga kaysa sa pagsasalita ang pakikinig. … Sinabi sa akin minsan ni [Pangulong] Russell Nelson na isa sa mga unang patakaran ng medikal na pagtatanong ay “Tanungin ang pasyente kung saan ito nasasaktan. Ang pasyente,” sabi niya, “ang magiging pinakamainam na gabay mo sa tamang pagsusuri at lunas kalaunan.” Kung makikinig tayo nang may pagmamahal, hindi na natin iisipin kung ano ang sasabihin. Ibibigay ito sa atin—ng Espiritu at ng ating mga kaibigan. (Jeffrey R. Holland, “Witnesses unto Me,” Ensign o Liahona, Mayo 2001, 15)

Ibigay ang sumusunod na handout sa mga estudyante:

Limang Paraan para Maging Aktibong Tagapakinig

Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo—Microtraining 5: Paano Maging Aktibong Tagapakinig

Bigyan ng panahon ang mga tao. Maging matiyaga at bigyan ng oras ang mga tao na mag-isip at magsalita bago at pagkatapos nilang magsalita. Huwag matakot sa katahimikan.

Pagtuunan ng pansin. Makinig nang may hangaring makaunawa, at huwag magbigay ng maagang konklusyon o isipin agad ang tungkol sa sasabihin mo.

Linawin. Magtanong para linawin ang isang bagay upang ipakita ang interes sa sinasabi ng tao at matiyak na naunawaan mo ang mga bagay-bagay.

Magnilay-nilay. Ulitin sa ibang salita o muling banggitin ang nadarama mong sinasabi ng tao. Binibigyan nito ng pagkakataon ang tagapagsalita na madamang sila ay pinapahalagahan at magbigay-linaw kapag kinakailangan.

Hanapin ang inyong magkatulad na ideya. Sumang-ayon sa tao hangga’t maaari, nang hindi nagbibigay ng maling palagay tungkol sa sarili mong damdamin, upang makatulong sa pagbuo ng pagkakaisa at maibsan ang anumang pagkataranta at pagiging depensibo. (Halaw sa “Limang Bagay na Ginagawa ng Mabubuting Tagapakinig,” Liahona, Hunyo 2018, 6–9)

Limang Paraan para Maging Aktibong Tagapakinig

handout ng titser

Rebyuhin ang limang kasanayang ito bilang isang klase, at sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung alin ang pinaka-kailangan nilang sikaping gawin.

Ipakita

Anyayahan ang isang estudyante na gumugol ng dalawang minuto upang isiwalat sa iyo, o sa isang estudyante na may tiwalang tatanggapin ang kanyang puna, ang pananaw ukol sa isang paksa ng ebanghelyo na para sa kanya ay mahalaga. Hikayatin ang estudyante na iwasan ang mga kontrobersyal na isyu.

12:48
  • Hilingin sa klase na manood at pansinin kung ang nakikinig ay gumagamit ng anuman sa limang kasanayan na kanina lamang ay tinalakay, at kung oo, kung paano nakatulong ang mga ito.

  • Maaari mo ring hilingin sa klase na tukuyin ang karagdagang kasanayan sa pakikinig na maaaring magpainam ng karanasan.

Isagawa

Sabihin sa mga estudyante na bumuo ng mga grupo na may tigtatatlong miyembro at pumili ng isang paksang nais nilang talakayin. Sabihin sa isang tao na maglaan ng isang minuto para ibahagi ang kanilang nadarama tungkol sa piniling paksa. Sabihin sa pangalawang tao na sanayin ang pakikinig gamit ang isa o mahigit pa sa mga kasanayan ng mabuting pakikinig na tinalakay kanina. Sabihin sa pangatlong tao na magmasid at magbigay ng puna sa mga kasanayan sa pakikinig na napansin nila. Pagkatapos ay sabihin sa mga miyembro ng grupo na magpalit ng kanilang mga papel at ulitin ang aktibidad. Matapos makapagpraktis ang mga estudyante, anyayahan ang isa o dalawang estudyante na ibahagi ang natutuhan nila.