“Pagpapahusay ng mga Kasanayan sa Pag-aaral at Talakayan sa mga Microtraining,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)
“Pagpapahusay ng mga Kasanayan sa Pag-aaral at Talakayan sa mga Microtraining,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo
Pagpapahusay ng mga Kasanayan sa Pag-aaral at Talakayan sa mga Microtraining
Kabilang sa kursong ito ang siyam na microtraining na nilayon upang mapahusay ang kakayahan ng mga estudyante na matutuhan at matalakay ang doktrina, mga turo, mga alituntunin, at kasaysayan ng Simbahan.
Ang mga titser ay dapat maging pamilyar sa lahat ng microtraining at pagkatapos ay piliin ang mga training na sa palagay nila ay pinakamahalaga at angkop sa kanilang mga estudyante. Inirerekomenda na gamitin ang mga microtraining sa pagsisimula ng klase. Ang mga titser ang makapagpapasiya kung anong mga klase ang ituturo sa mga estudyante sa microtraining. Ang mga microtraining ay nilayong tumagal nang mga 15 minuto.
Ginagamit ng mga microtraining ang sumusunod na huwaran:
-
Ipaliwanag. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang alituntuning kanilang isasabuhay o ang kasanayang isasagawa nila. Ang aktibidad na ito ay dapat maikli at tatagal nang mga 2–3 minuto lamang.
-
Ipakita. Ipakita sa mga estudyante kung paano magagamit ang alituntunin o kasanayan. Ang aktibidad na ito ay dapat tumagal nang 3–5 minuto .
-
Isagawa Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong sanayin na maipamuhay ang alituntunin o kasanayan. Tiyakin na kahit kalahati man lang ng oras na ginugugol sa microtraining (mga 7–8 minuto) ay mailaan para sa pagsasanay.