Institute
Microtraining 4: Paano Iibahin ang Mahihirap o Sensitibong Paksa mula sa Walang-Hanggang Pananaw


“Microtraining 4: Paano Iibahin ang Mahihirap o Sensitibong Paksa mula sa Walang-Hanggang Pananaw,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)

“Paano Iibahin ang Mahihirap o Sensitibong Paksa mula sa Walang-Hanggang Pananaw,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo

Microtraining 4

Paano Iibahin ang Mahihirap o Sensitibong Paksa mula sa Walang-Hanggang Pananaw

Ipaliwanag

Ipakita at basahin ang sumusunod na pahayag:

Para masuri ang mga doktrinal na konsepto, tanong, at isyung panlipunan nang may walang-hanggang pananaw, isinasaalang-alang natin ang mga ito sa konteksto ng plano ng kaligtasan at sa mga turo ng Tagapagligtas. Hinahangad natin ang tulong ng Espiritu Santo para makita ang mga bagay-bagay tulad sa kung paano nakikita ng Panginoon ang mga ito. Nagtutulot ito sa atin na maiayos o mai-adjust ang tanong (makita ang tanong sa ibang paraan) at tingnan ang mga ideya ayon sa pamantayan ng katotohanan ng Panginoon sa halip na tanggapin ang ideya o mga haka-haka ng mundo [tingnan sa 1 Corinto 2:5, 9–11]. (Doctrinal Mastery Core Document [2022], 3)

Bigyan ang mga estudyante ng sumusunod na handout:

Mga Tanong na Makakatulong na Ibahin ang Isang Mahirap o Sensitibong Paksa mula sa Walang-Hanggang Pananaw

Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo—Microtraining 4: Paano Iibahin ang Mahihirap o Sensitibong Paksa mula sa Walang-Hanggang Pananaw

  • Ano ang ilang posibleng maling pagkaunawa o mga maling palagay ng isang tao tungkol sa paksang ito?

  • Ano ang alam natin tungkol sa Ama sa Langit, sa Kanyang plano, at sa mga turo ng Tagapagligtas kapag inuugnay ang mga ito sa paksang ito? Paano tayo matutulungan ng kaalamang ito na baguhin ang ating pag-iisip nang may walang-hanggang pananaw?

Mga Tanong na Makakatulong na Ibahin ang Isang Mahirap o Sensitibong Paksa mula sa Walang-Hanggang Pananaw

handout ng titser

Ipakita

Tulungan ang mga estudyante na makita kung paano nila masisimulang ibahin ang mga konteksto, tanong, at isyung panlipunan mula sa walang-hanggang pananaw.

2:58

Isagawa

Ipakita ang mga sumusunod na tanong: Bakit ang Simbahan ay hindi sumasang-ayon sa pagpapalaglag para sa sariling kaginhawaan o katayuan sa lipunan? Hindi ba ito tungkol sa personal na pagpili?

Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga tanong sa bahaging “Tukuyin.” Pagkatapos ay sabihin sa kanila na makipagtulungan sa isang kapartner at magpraktis na ibahin ang mga tanong tungkol sa pagpapalaglag mula sa walang-hanggang pananaw.

Hikayatin ang mga estudyante na bigyan ng puna ang isa’t isa sa kanilang mga sagot. Kung may oras pa, pumili ng isa pang tanong para magpraktis ng pag-iiba ng tanong.