“Lesson 1: Paglapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa Pamamagitan ng Mapagkakatiwalaan at Maaasahang Sources,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)
“Paglapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa Pamamagitan ng Mapagkakatiwalaan at Maaasahang Sources,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo
Lesson 1
Paglapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa Pamamagitan ng Mapagkakatiwalaan at Maasahang Sources
Maraming young adult ang may mga tanong tungkol sa doktrina, mga turo, patakaran, at kasaysayan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ngunit maaaring hindi nakatitiyak kung saan mahahanap ang maaasahan na mga sagot. Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong tuklasin ang iba’t ibang sources na ibinigay ng Simbahan para masagot ang kanilang mga tanong. Isasaalang-alang din nila kung bakit mapagkakatiwalaan ang sources na ito.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Pagtukoy sa mga resulta ng pag-aaral na nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo
Ipakita at basahin nang malakas ang mga sumusunod na resulta ng pag-aaral:
Maaari mong itanong sa kanila ang mga sumusunod:
-
Paano makatutulong sa inyo ang mga resultang ito para maging mas maalam at malinaw na nagpapahayag na disipulo ni Jesucristo?
-
Bakit mahalagang matiyak na ang ating mga talakayan sa klase, anuman ang paksa, ay nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang walang-hanggang ebanghelyo? (Maaari mong basahin at talakayin ang 2 Nephi 25:26.)
Pagkatuto mula sa resources ng Simbahan
Ipakita ang sumusunod na tanong: Ano ang ilang madalas itanong na narinig ninyo tungkol sa Simbahan? (Kung nahihirapan ang mga estudyante na magtanong, maaari kang magbahagi ng ilang halimbawa mula sa Frequently Asked Questions [tingnan sa newsroom.ChurchofJesusChrist.org].) Maaari mong ilista sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante at pagkatapos ay magtanong:
-
Anong uri ng mga sagot ang narinig ninyo sa mga tanong na ito?
-
Ano ang maaaring mangyari kapag ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa ebanghelyo ay batay sa sabi-sabi, maling palagay, opinyon, o haka-haka?
Ibahagi ang sumusunod na sitwasyon:
Anyayahan ang mga estudyante na talakayin sa isang kapartner kung paano nila sasagutin ang tanong tungkol sa “mahiwagang panloob.” Matapos bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante na talakayin ang kanilang mga sagot, maaari mong itanong ang mga sumusunod:
-
Ano ang naging maganda sa pagbibigay ng iyong mga sagot? Ano ang hindi naging maganda?
-
Anong mga hamon ang maaaring dumating kapag naghahanap sa internet upang malaman pa ang tungkol sa Simbahan?
Pag-isipang ibahagi ang sumusunod na pahayag ng mga lider ng Simbahan:
Maaari nating paalalahanan ang taos-pusong nagtatanong na ang impormasyon sa Internet ay walang filter ng “katotohanan.” Ang ilang impormasyon, kahit nakakakumbinsi ito, ay hindi [talaga] totoo. (Neil L. Andersen, “Joseph Smith,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 29)
Maaari nating malaman ang katotohanan ng gawaing ito sa mga huling araw, ngunit kailangan nating piliin ang pananampalataya, hindi pag-aalinlangan, at maghahanap tayo ng mga sagot sa totoo at mapagkakatiwalang sources. (Dale G. Renlund, “Huwag Mag-alinlangan, Kundi Maging Mapagpaniwala” [pandaigdigang debosyonal para sa mga young adult, Ene. 13, 2019], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org)
Nabubuhay tayo sa panahon ng labis na pinalawak at pinalaganap ang impormasyon. Ngunit hindi lahat ng impormasyon na ito ay totoo. Kailangan tayong maging maingat kapag naghahanap ng katotohanan at namimili ng mga sanggunian para sa paghahanap na iyon. (Dallin H. Oaks, “Katotohanan at ang Plano,” Ensign o Liahona, Nob. 2018, 25)
-
Bakit mahalaga ang mga materyal ng Simbahan kapag naghahangad na malaman pa ang tungkol sa doktrina, mga turo, mga alituntunin, at kasaysayan ng Simbahan?
Ipaliwanag na bagama’t ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga apostol at propeta ngayon ang mga saligang ating mapagkukunan, naglalaan ang Simbahan ng mga karagdagang mapagkukunan na tumpak, tapat, at naaayon sa ating doktrina. Halimbawa, ang website ng Simbahan ay may makatutulong na impormasyon tungkol sa layunin ng garment sa templo. Maaari mong basahin ang artikulong “Mga Garment” mula sa pahina ng Mga Paksa ng Ebanghelyo.
-
Ano ang pinaka-napansin mo tungkol sa impormasyong ito sa garment sa templo?
-
Batay sa iyong natutuhan, paano ninyo mababago ang inyong sagot tungkol sa “mahiwagang panloob”? (Maaari mong bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na ibahagi sa isang kapartner ang kanilang binagong sagot.)
Ipaliwanag na ang Gospel Library ay nagbibigay ng maraming resources na makatutulong lalo na kapag sinasagot ang mga tanong at alalahanin tungkol sa iba’t ibang paksa. Kabilang sa mga ito, halimbawa ay, Gabay sa Mga Banal na Kasulatan, Mga Paksa sa Pangkalahatang Kumperensya, Tulong sa Buhay, at Mga Paksa. Bukod pa sa Gospel Library, ang Newsroom ay nagbibigay ng mga balita, artikulo, at kuwento na makatutulong sa atin na manatiling maalam sa nangyayari sa Simbahan.
Upang matulungan ang mga estudyante na makita ang resources na ito mula sa wastong pananaw, itanong ang sumusunod:
-
Bagama’t mahalaga ang resources na ito ng Simbahan, bakit hindi sapat ang mga ito sa paghahanap natin ng katotohanan?
Batay sa mga sagot ng mga estudyante, isipin kung alin sa mga sumusunod na tanong ang pinaka-makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na hindi mapapalitan ng resources na ito ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga miyembro ng Panguluhang Diyos sa paghahanap natin ng katotohanan:
-
Bakit mahalagang umasa tayo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo bilang pinakadakilang pagmumulan ng katotohanan? (Tingnan sa Mosias 4:9 at Juan 14:6.)
-
Ano ang papel na ginagampanan ng Espiritu Santo kapag naghahanap tayo ng mga sagot sa ating mga tanong? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 8:2–3 at Moroni 10:5.)
-
Bakit mahalagang manalangin kapag naghahanap tayo ng mga sagot sa ating mga tanong? (Tingnan sa Santiago 1:5–6 at 2 Nephi 32:8–9.)
Maaaring makatulong na ipakita sa mga estudyante kung saan matatagpuan ang Newsroom, Gabay sa mga Banal na Kasulatan, Pangkalahatang Kumperensya, Tulong sa Buhay, at Mga Paksa sa computer at sa cell phone o tablet. Ipaliwanag na ang sources na ito ay regular na binabago at pinahuhusay upang ang mga ito ay akma sa kasalukuyan at madaling saliksikin.
Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang sarili nilang mga device at mag-ukol ng ilang minuto para saliksikin ang sources na ito. Maaari mong isulat sa pisara ang mga sumusunod na mga pamagat: Newsroom, Gabay sa mga Banal na Kasulatan, Pangkalahatang Kumperensya, Tulong sa Buhay, at Mga Paksa. (Paalala: Kung walang magagamit na device ang ilang estudyante, sabihin sa kanila na makipagtulungan sa isang taong mayroon nito. Maaaring kailanganin mong iakma ang aktibidad na ito depende sa bandwidth ng Wi-Fi.)
Sa pagsasaliksik ng mga estudyante sa resources na ito, sabihin sa kanila na hanapin ang mga natatanging katangian ng bawat source at pag-isipan kung ano ang pinaka-nagustuhan nila. Hikayatin ang mga estudyante na tukuyin ang mga posibleng paksang nais nilang matutuhan pa tungkol sa kursong ito.
Matapos bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante na magsaliksik, sabihin sa kanila na magbahagi ng isang bagay na nakita nila sa bawat source at isulat ang kanilang mga sagot sa ilalim ng angkop na pamagat sa pisara. Tiyaking tandaan ang mga paksang karaniwang nagugustuhan ng iyong mga estudyante. Sabihin na para sa mga lesson 7–14 ay tatalakayin natin ang mga paksang pipiliin ng klase.
Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga obserbasyon tungkol sa resources na ito, maaari mong itanong ang isa o higit pa sa mga sumusunod na tanong upang mapagbuti ang inyong talakayan:
-
Mayroon bang anumang paksa, artikulo, o isyu na gumulat sa inyo? Kung mayroon, bakit?
-
Paano makatutulong sa inyo ang mas magandang kamalayan sa impormasyong makukuha sa pamamagitan ng resources na ito upang mapagpala ang buhay ng iba? (Maaari mong basahin at talakayin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na banal na kasulatan: 1 Pedro 3:15; Doktrina at mga Tipan 11:21; 88:118.)
-
Paano nakatutulong ang pagiging mas maalam sa pananaw ng Simbahan sa mga paksang ito para mas mapalapit tayo at ang iba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi kung paano sa kanilang palagay mapagpapala ng kursong ito ang kanilang buhay. Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isa pang young adult na maaaring pagpalain sa pamamagitan ng pakikibahagi, at hikayatin ang mga estudyante na anyayahan ang taong iyon na dumalo sa susunod na klase.
Para sa Susunod
Sabihin sa mga estudyante na saliksikin ang website ng Newsroom o ang Church News app sa buong linggo at hanapin ang mga bagong balita mula sa Simbahan. Ipaliwanag na sa susunod na klase ay magkakaroon sila ng pagkakataong magbahagi ng isang bagay na natagpuan nila kasama ang kanilang mga kaibigan. Maaari kang magpadala ng paalala sa mga estudyante tungkol sa aktibidad na ito ilang araw bago ang iyong susunod na klase.