Institute
Pagsagot sa Ating mga Tanong


“Lesson 7–14: Pagsagot sa Ating mga Tanong,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)

“Pagsagot sa Ating mga Tanong,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo

mga estudyanteng nakaupo nang pabilog at nag-uusap-usap

Lesson 7-14

Pagsagot sa Ating mga Tanong

Para sa bawat bagong paksa na ipinapasiyang talakayin ng iyong klase, hikayatin ang mga estudyante na bumatay sa resources na matatagpuan sa mga pahina ng Newsroom, Gabay sa mga Banal na Kasulatan, Pangkalahatang Kumperensya, Tulong sa Buhay, o Mga Paksa. Ang mga piniling paksa ay maaaring magpasiya kung anong sanggunian o mga sources ang dapat gamitin. Kung sa iyong palagay ay makatutulong sa iyo o sa iyong mga estudyante ang karagdagang resources, maaari kang pumunta sa pahina ng Answering Doctrinal, Historical, and Social Questions, kabilang ang Helps by Topics [Mga Tulong ayon sa mga Paksa] at Gospel Study Link (matatagpuan saChurchofJesusChrist.org).

Hikayatin ang mga estudyante na laging magbase mula sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta at hangarin ang impluwensya ng Espiritu Santo habang tinatalakay nila ang iba’t ibang paksa. Ang kasunod na balangkas ay sumasalamin sa huwarang itinatag sa mga lesson 4–6 at nilayong umangkop sa anumang paksa na gustong pag-aralan ng iyong mga estudyante.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Batay sa mga pangangailangan ng mga estudyante, maaari mong simulan ang klase gamit ang isa sa mga sumusunod:

  • Isang microtraining mula sa apendiks A

  • Isang talakayan ukol sa mga balita na nasa “Ano ang Bago?” mula sa Newsroom (tingnan sa handout 1 sa apendiks B)

  • Isang talakayan tungkol sa paksa ngayon

Talakayin ang Kahalagahan ng Paksa

Bigyan ng ilang minuto ang mga estudyante na talakayin kung bakit mahalaga sa kanilang buhay ang paksang napili nila.

Palalimin ang Pang-unawa

Anyayahan ang mga estudyante na alamin ang iba pa sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga pahina ng Newsroom, Gabay sa mga Banal na Kasulatan, Pangkalahatang Kumperensta, Tulong sa Buhay, o sa Mga Paksa. Upang magabayan ang mga talakayan ng grupo, maaari mong ibigay sa mga estudyante ang handout 2, “Palalimin ang Ating Pang-unawa,” na matatagpuan sa apendiks B. Tandaan na tulungan ang mga estudyante na makita ang bawat paksa nang may walang-hanggang pananaw at itanong kung paano nakakaapekto ang kanilang pagkatuto sa kanilang pananampalataya sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo.

Magpahayag nang Malinaw

Gawin ang isa sa mga aktibidad na matatagpuan sa mga handout 3–5 sa apendiks B, o gumawa ng sarili mong aktibidad.

Magnilay at Magtala

Bigyan ng oras ang mga estudyante na pagnilayan ang natutuhan at nadama nila ngayon. Maaari mong gamitin ang mga tanong sa handout 6, “Magnilay at Magtala” (matatagpuan sa apendiks B), para magabayan ang aktibidad na ito.

Para sa Susunod

Tukuyin ang pinagkasunduang paksa para sa susunod na klase. Sabihin sa mga estudyante na saliksikin ang mga pahina ng Newsroom, Gabay sa mga Banal na Kasulatan, Pangkalahatang Kumperensya, Tulong sa Buhay, o Mga Paksa bilang paghahanda para sa klase.