Para sa Lakas ng mga Kabataan
Humingi ng Lakas sa Kanya
Marso 2024


“Humingi ng Lakas sa Kanya,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2024.

Tungkol sa Espesyal na Isyung Ito

Humingi ng Lakas sa Kanya

Sa Ebanghelyo Ayon kay Marcos, mababasa natin ang tungkol sa isang babae na 12 taon nang maysakit. May nagkuwento sa kanya tungkol kay Jesus. Kaya, nang dumating Siya sa kanyang bayan, umupo siya sa tabi ng kalsada, at naghintay. Nang magdaan Siya, tahimik niyang hinawakan ang laylayan ng Kanyang bata.

Agad siyang gumaling. Pero hindi lamang siya ang nakapansin sa himalang iyon; napansin din iyon ni Jesus. “Pagkabatid na may lumabas na kapangyarihan mula sa kanya, bumaling si Jesus sa karamihan at nagsabi, Sino ang humipo sa aking damit?” (Marcos 5:30). Ang kabanalan ay maaari ding mangahulugan ng lakas. Nalaman kaagad ni Jesus na may nakatanggap ng lakas mula sa Kanya. Ang agarang reaksyon Niya ay hanapin siya, kausapin siya, at ipaalala sa kanya ang kapangyarihan ng pananampalataya. Tinawag Niya siyang “anak.” Sa pamamagitan Niya, siya ay gumaling.

Natutuhan ko na ang paghingi ng lakas sa panalangin ay palaging sinasagot. Kung hihingi tayo ng tulong sa Kanya, “sa ’ting puso’y dama ang kasagutan” (tingnan sa Mga Himno, blg. 74). Bawat artikulo sa magasin sa buwang ito ay paalaala ng katotohanang iyan.

Sa Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili, itinuturo ng Unang Panguluhan na “ang Tagapagligtas … ang ‘lakas ng mga kabataan” ([2022], 2). Marahil ay iniisip ninyo kung paano maa-access ang lakas na iyon. Umaasa ako na makakakita kayo ng isang bagay sa loob ng mga pahinang ito na aakay sa inyo na humingi ng tulong sa Kanya.

Saliksikin ang mga pahinang ito. Hanapin ang mga salita ng pag-asa, maghanap ng isang talatang nagbibigay ng lakas, isulat ang mga pahiwatig na nakaapekto sa inyong damdamin. Sa pamamagitan ni Jesucristo, mapapagaling din kayo.

Emily Belle Freeman

Labis na nagmamahal,

Emily Belle Freeman

Young Women General President