Para sa Lakas ng mga Kabataan
Magtagumpay Kasama ang Tagapagligtas
Marso 2024


“Magtagumpay Kasama ang Tagapagligtas,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2024.

Lakas na Maghanda at Magbago

Magtagumpay Kasama ang Tagapagligtas

Tinutulungan ka ng Tagapagligtas na matupad ang mabubuti mong hangarin para sa iyong kinabukasan.

Larawan
si Jesucristo na yakap ang bata

“Paghandaan ang inyong kinabukasan.” Tila iyon ang mensahe sa likod ng napakarami sa buhay ng isang kabataan—sa paaralan, sa simbahan, sa trabaho, sa bahay. Maaari ninyong isiping, “Oo, oo. Nauunawaan ko na.” Siyempre alam ninyo na darating ang bukas at dapat ninyo itong paghandaan. At sa inyong kalooban, gusto ninyong gawing maganda ang inyong kinabukasan.

Nauunawaan na ninyo ang inyong nadarama. Natututuhan na ninyo ang talagang gusto ninyo. Gusto ninyong gumawa ng mabuti at makabuluhang mga bagay sa inyong buhay—na gumawa ng isang bagay na kakaiba at makabuluhan sa mundo at sa buhay ng ibang tao, na maglingkod sa Diyos at sa inyong kapwa-tao. Nalalaman ninyo na ito ay tama at talagang magpapasaya sa inyo.

Kaya, narito ang ilang iba pang mahalagang bagay na dapat malaman habang lumalaki kayo at naghahanda para sa kinabukasan:

  • Alam din ng Panginoon ang nasa puso ninyo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:16). Dahil ang malalim at tapat na mga hangarin ninyo sa buhay ay mabuti at matwid, nariyan si Jesucristo para palakasin kayo habang kayo ay naghahanda.

  • Hindi lang kayo naghahandang gumawa ng mga bagay-bagay; kayo ay nagiging katulad ng alam ng Ama sa Langit at ng Tagapagligtas na maaari ninyong kahinatnan.

  • Maaari kayong masiyahan sa kasalukuyan habang naghahanda rin para sa kinabukasan. Kakaiba ang panahong ito sa inyong buhay, at ang mabubuting pagpiling ginagawa ninyo ay inihahanda kayo para sa isang magandang kinabukasan.

Habang iniisip ninyo kung ano ang inyong pinaghahandaan, isipin din kung paano kayo pinalalakas ng Tagapagligtas habang daan. At isipin kung ano ang tinutulungan Niyang kahinatnan ninyo.

Ano ang Pinaghahandaan Ninyo?

Narito ang ilang halimbawa:

  • Dagdag na edukasyon

  • Mga tipan sa templo

  • Misyon

  • Pag-aasawa

  • Trabaho at propesyon

  • Pamilya at pagiging magulang

  • Habambuhay na pagkadisipulo

Paano Kayo Pinalalakas ng Ama sa Langit at ni Jesucristo Habang Kayo ay Naghahanda?

Narito ang ilang halimbawa:

  1. Isinusugo Nila sa inyo ang Espiritu Santo, na maaaring:

    1. Aliwin kayo.

    2. Gabayan kayo.

    3. Bigyan kayo ng inspirasyon.

    4. Ipaalala sa inyo ang mga bagay na natutuhan ninyo.

    5. Bigyan kayo ng tiwala.

    6. Maghatid sa inyo ng kapayapaan.

    7. Pawiin ang inyong mga pangamba.

  2. Binibigyan Nila ng inspirasyon ang mga propeta na turuan kayo sa pamamagitan ng:

    1. Pangkalahatang kumperensya.

    2. Mga magasin ng Simbahan.

    3. Mga espesyal na brodkast.

    4. Mga website ng Simbahan at social media.

    5. Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili.

  3. Binibigyang-inspirasyon Nila ang iba na tulungan at suportahan kayo, kabilang na ang:

    1. Mga magulang.

    2. Mga kaibigan.

    3. Mga lider.

    4. Mga guro.

Ano ang Tinutulungan ni Jesucristo na Kahinatnan Ninyo?

Tinutulungan kayo ni Jesucristo na maging higit na katulad Niya—higit na katulad ng inyong Ama sa Langit.

Nagagalak Sila sa bawat maliit na hakbang na ginagawa ninyo—bawat talata sa banal na kasulatan na binabasa ninyo, bawat tungkulin sa Simbahan na ginagampanan ninyo, bawat assignment sa paaralan na pinagsisikapan ninyo, bawat pagsusulit na pinag-aaralan ninyo, bawat praktis na dinadaluhan ninyo, bawat mabuting salitang binibigkas ninyo, bawat paglilingkod na ibinibigay ninyo, at marami pang iba.

Sa lakas ng Tagapagligtas, magiging mas handa kayo para sa inyong kinabukasan kaysa kung wala Siya sa buhay ninyo. At magiging mas mahusay kayo.

Print