“Mga Larawang Nagpapakita ng Lakas,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2024.
Mga Larawang Nagpapakita ng Lakas
Mga larawan mula sa buhay ni Jesucristo, na ating Tagapagligtas at ating lakas.
At the Temple Gate [Sa Pintuan ng Templo], ni Emin Zufulgarov
Naparito si Jesucristo sa lupa para tulungan kang makabalik sa Ama sa Langit. Siya lamang ang makagagawa nito.
Call of the Master [Tawag ng Panginoon], nina Kelsy at Jesse Lightweave
Healer [Manggagamot], ni Michael Malm
Master of Ocean and Earth and Skies [Panginoon ng Karagatan at Lupa at Kalangitan], ni Rose Datoc Dall
Christ among the Lepers [Si Cristo Kasama ang mga Ketongin], ni J. Kirk Richards
“Ako’y pumarito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon nito nang may kasaganaan.”
The First [Ang Una], ni Jared Barnes, sa kagandahang-loob ng Havenlight
“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Sinuman ay hindi makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”
Followers of Jesus [Mga Alagad ni Jesus], ni Dan Burr, sa kagandahang-loob ng Havenlight
Si Jesus ng Nazaret, ni Greg Collins
Gethsemani, ni Adam Abram
“Dapat tandaan ng lahat ng nagdaranas ng anumang klase ng mga kahinaan sa mundo na ang ating Tagapagligtas ay nagdanas din ng gayong uri ng pasakit, at na sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, binibigyan Niya ang bawat isa sa atin ng lakas na makayanan ito.”
Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Ano ang Nagawa ng Ating Tagapagligtas para sa Atin?,” pangkalahatang kumperensa ng Abr. 2021 (Ensign o Liahona, Mayo 2021, 77).
Ang kapangyarihan ni Jesucristo ay pinagagaling ka, tinutulungan kang magbago, at binibigyan ka ng lakas na matiis ang mga pagsubok.
Patnubayan Ako, ni Yongsung Kim, sa kagandahang-loob ng HavenLight
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.
“Pasanin ninyo ang aking pamatok, at matuto kayo sa akin; sapagkat ako’y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.
“Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.”
Liwanag at Buhay, ni Mandy Jane Williams
“Gustung-gusto ng Tagapagligtas na ipanumbalik ang hindi ninyo kayang ipanumbalik; gustung-gusto Niyang pagalingin ang mga sugat na hindi ninyo kayang pagalingin; gustung-gusto Niyang ayusin ang hindi na maisasaayos; pinupunan Niya ang anumang kawalan ng katarungang ipinabata sa inyo; at gustung-gusto Niyang tuluyang paghilumin maging ang mga pusong wasak.”
Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol, pangkalahatang kumperensya ng Abr. 2020 (Ensign o Liahona, Mayo 2020, 44).
The Leper Who Said, “Thank You,” [Ang Ketongin na Nagsabing, “Salamat,”] ni Johm Steel
“Iatang mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kanyang aalalayan ka.”
Matuto tungkol sa Kanya. Sumampalataya sa Kanya. Sumunod sa Kanya. Maaaring mapasaiyo palagi ang Kanyang lakas.
Tubig na Buhay, ni Rose Datoc Dall
Never Alone [Hindi Nag-iisa Kailanman], ni Sandy Frekleton, sa kagandahang-loob ng Havenlight
He Healed Many [Nagpagaling Siya ng Marami], ni J. Kirk Richards
“Hindi ko magagawang kumilos nang mag-isa, at hindi ko kailangang gawin iyon, at hindi ko gagawin iyon. Sa pagpili na mabigkis sa aking Tagapagligtas na si Jesucristo, sa pamamagitan ng mga pakikipagtipan ko sa Diyos, ‘Lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan [ni Cristo] na nagpapalakas sa akin’ [Filipos 4:13].”
Pangulong Camille N. Johnson, Relief Society General President, pangkalahatang kumperensya ng Abr. 2023 (Ensign o Liahona, Mayo 2023, 82).
Tagumpay, nina Kelsy at Jesse Lightweave
“Siya ang liwanag, ang buhay, at pag-asa ng mundo. Siya ang daan na naghahatid sa kaligayahan sa buhay na ito at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating. Salamat sa Diyos sa Kanyang walang kapantay na kaloob na Kanyang banal na Anak.”
“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Gospel Library.
Tingnan ang Gospel Living app sa buwang ito para sa karagdagang likhang-sining at mga video tungkol sa buhay ng Tagapagligtas.