Para sa Lakas ng mga Kabataan
Mas Mahirap Kaysa Tukso
Marso 2024


“Mas Mahirap Kaysa sa Tukso,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2024.

Lakas na Madaig ang Kasalanan

Mas Mahirap Kaysa Tukso

Maaari kang mapalakas ng Tagapagligtas kapag sinikap mong umiwas sa kasalanan.

Ang pagsisisi ay isang himala. Ginawa itong posible ni Jesucristo. Nalulugod ang Ama sa Langit na patawarin tayo kapag ipinasiya nating magsisi at sundin ang Kanyang mga utos. Bagama’t kakailanganin nating lahat na magsisi sa buong buhay natin, paano natin mapaglalabanan ang kasalanan at paano tayo makakagawa ng mas mabubuting pasiya?

Narito ang ilang tip para magkaroon ng lakas sa pamamagitan ni Jesucristo laban sa tukso:

  • Basahin ang mga banal na kasulatan araw-araw.

  • Manalangin araw-araw.

  • Regular na magsimba.

Kung minsa’y itinuturing nating mga panlahatan at malilinaw na sagot ang mga ito. Huwag kayong magpadala riyan! Ang mga pangunahin at mahahalagang sagot na ito ay napakadalas ulitin dahil ang mga ito ang mga pangunahin at mahahalagang sagot! Umuubra ang mga ito.

Gawin ang mga bagay na ito, at mas mapapalapit kayo sa inyong Tagapagligtas.

Print