2009
Komentaryo
Setyembre 2009


Komentaryo

Nakahihikayat at Nagtuturo

Hindi ako miyembro ng inyong simbahan, pero dama ko na ang Liahona, na natatanggap ko mula sa isang kaibigan sa trabaho, ay nakahihikayat. Marami rin itong itinuturo, lalo na sa mga bata at kabataan. At nakakatulong din ito sa akin. Gusto ko ang mga artikulo mula sa mga miyembrong nagkukuwento ng mga karanasan na nagpalago ng kanilang pananampalataya. Hanga rin ako lalo na sa mga paglalarawan dito. Napakalinaw ng pagkaguhit sa mga ito at naipapahayag nito ang mensahe. Kaya’t ang masasabi ko, magaling at maraming salamat sa inyo.

Beatrice Karrer Ulrich, Germany

Isang Espirituwal na Yaman

Nang maging miyembro ako ng Simbahan noong una, hindi ako interesadong magsuskribe sa Liahona. At hindi ako gaanong aktibo sa loob ng ilang panahon. Nang mithiin kong magbalik na sa pagiging aktibo sa Simbahan, nagsuskribe ako sa Liahona. Noon ko natanto ang malaking espirituwal na yamang napalampas ko. Ang magasing ito ay hindi lamang impormasyon mula sa Simbahan kundi isang daluyan ng komunikasyon sa mga miyembro, na ginagamit nila para makapagbahagi ng mga patotoo, karanasan, mensahe, at payo para sa ating panahon. Ang magasin ay naglalaman ng mga turong ipamumuhay sa araw-araw.

Cláudia Souza Alencar, Brazil