2009
Ang Simbahan sa United Kingdom
Setyembre 2009


Ang Simbahan sa United Kingdom

Ang mga unang misyonerong tumawid ng dagat ay ipinadala sa England noong 1837, pitong taon lamang matapos itatag ang Simbahan. Isang grupo ng pitong misyonero ang dumating sa England noong Hulyo 19, 1837, nangaral sa Preston, at nagbinyag ng 9 na tao noong Hulyo 30. Nang sumunod na linggo, 41 pang mga nagbalik-loob ang nabinyagan.

Sa pagitan ng 1837 at 1900, sindami ng 100,000 nagbalik-loob ang nandayuhan upang makasama ang malaking grupo ng Simbahan sa Estados Unidos. Katunayan, pagsapit ng 1870 halos kalahati ng populasyon ng Utah ay mga dayuhang Briton. Noong 1950s, dumami ang mga miyembro sa United Kingdom (na kinabibilangan ng England, Scotland, Wales, at Northern Ireland) sa paghihikayat ng mga lider ng Simbahan sa mga miyembro na manatili at itatag ang Simbahan sa kanilang inang bayan.

Noong 1958 isang templo ang inilaan sa London. Noong 1998 isa pang templo ang inilaan, sa Preston, kung saan unang nangaral mahigit 170 taon na ang nakalilipas. Preston ang tahanan ng pinakamatandang branch ng Simbahan sa buong mundo, na nagsimula noon pang 1837.

Narito ang ilang impormasyon tungkol sa Simbahan ngayon sa United Kingdom:

Bilang ng mga Miyembro

181,756

Mga Misyon

7

Mga Templo

2

Mga Ward at Branch

347

Mga Family History Center

120