Mga Conference Spotlight Card Maaari mong gupitin ang mga kard na ito at gamitin upang ipaalala sa iyo ang maaari mong matutuhan sa pangkalahatang kumperensya. “Mga bata kong kaibigan … , palaging tanawin ang templo. Huwag gumawa ng anumang bagay na hahadlang sa pagpasok ninyo sa mga pintuan nito at sa pagtanggap ng sagrado at walang hanggang mga pagpapala roon.” Pangulong Thomas S. Monson “At mula sa inaakala ninyong maliliit na pagpili, aakayin kayo ng Panginoon sa kaligayahang nais ninyo. Sa inyong mga pagpili ay mapagpapala Niya ang marami pang tao.” Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan “Huwag hayaang lumipas ang maghapon nang hindi kumikilos ayon sa mga paramdam ng Espiritu.” Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan “Naparito kayo sa mundo sa panahong ito, … at itinakda na ng kamay ng Panginoon na ihanda ang daigdig para sa Kanyang maluwalhating pagbabalik. Panahon ito ng magagandang oportunidad at mahahalagang responsibilidad. Ito ang inyong panahon.” Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol “Napakagandang maging isang Kristiyano at mamuhay bilang tunay na disipulo ni Cristo.” Elder L. Tom Perry ng Korum ng Labindalawang Apostol “Sa pamamagitan ng ating taos-pusong kabaitan at paglilingkod, maaari nating maging kaibigan ang mga taong ating pinaglilingkuran. Mula sa mga pagkakaibigang ito ay magkakaroon ng mas mabuting pag-unawa sa ating katapatan sa ebanghelyo at hangaring alamin pa ang tungkol sa atin.” Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol “Hindi natin nakikita ang Ama, ngunit maaari nating marinig ang Kanyang tinig upang mabigyan tayo ng lakas na kailangan natin upang mapagtiisan ang mga pagsubok ng buhay.” Jean A. Stevens, Unang Tagapayo sa Primary General Presidency “Hindi kayo nag-iisa. … Kapag tinupad ninyo ang inyong mga tipan, gagabayan at pangangalagaan kayo ng Espiritu Santo. Palilibutan kayo ng hukbo ng mga anghel sa langit.” Elaine S. Dalton, Young Women general president