2011
Ang Ating Pahina
Hulyo 2011


Ang Ating Pahina

Si Marcia V., edad 5, mula sa Peru, ang ipinagmamalaki at galak ng kanyang mga magulang na sina Patricia at Raul. Siya ay nasa klase ng CTR sa Primary, at may CTR ring siya. Gusto niyang kulayan ang mga larawan sa Liahona, at ang paborito niyang himno ay “Ako ay Anak ng Diyos.”

Gusto niyang tumulong sa pag-aalaga ng maliliit na bata, at tinutulungan niya ang kanyang guro sa pagbubura ng pisara. Tumutugtog siya ng biyolin. Gusto ni Marcia ang family home evening at gusto niyang magsimba. Mahal niya ang Ama sa Langit at alam niyang mahal din Niya siya.

Guillermo T., edad 8, Venezuela

Sarah D., edad 6, Brazil

Jair O., edad 10, Peru

Isang Walang Hanggang Pamilya

Noong Agosto 23, 2008, ibinuklod ang pamilya ko sa Salt Lake Temple sa Utah. Ito ay isang pangarap namin na natupad. Naglakbay kami sa kabilang panig ng daigdig—mahaba at nakapapagod ang biyahe, pero sulit ito. Pagdating namin sa Utah, gabi na, at ang unang ginawa namin ay puntahan ang templo. Napakaganda nito sa gabi dahil natatanglawan ito ng mga ilaw. Makalipas ang dalawang araw ibinuklod kami. Ang kababaihang nag-aalaga sa mga bata sa templo ang tumulong sa aming magkapatid na magbihis ng puting kasuotan. Pagkatapos pinuntahan namin ang aming mga magulang. Para akong makikipagkita kay Jesus. Napakasaya namin na nabuklod kami! Alam ko na ngayon na maaari kong makapiling ang aking pamilya magpakailanman.

Dean F., edad 5, Sri Lanka

Paglalarawan ng bagon sa kagandahang-loob ng 2010 children’s art exhibit