Mga Ideya para sa Family Home Evening
Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na maaaring gamitin para sa family home evening. Narito ang ilang halimbawa.
“Kumilos,” pahina 42: Bilang bahagi ng aralin, isiping maglaro ng Simon Says upang ilarawan ang paghihintay sa isang tao na sabihing gumalaw kayo. (Para malaro ito, sasabihin ng isang tao, “Simon says …” pagkatapos ay sasabihin niya sa iba na gawin ang isang aksyon, tulad ng pagtataas ng kamay. Patuloy niya itong gagawin nang ilang beses at pagkatapos ay pagagawin ng aksyon ang iba nang hindi niya muna binabanggit ang, “Simon says.” Halimbawa: “Simon says itaas ang inyong kamay. Simon says pumalakpak. Ipadyak ang paa.”) Magpatotoo tungkol sa isang panahon na nagabayan kayo sa inyong pagsulong.
“Ang Sagot sa Talata Walo,” pahina 50: Sabay-sabay na basahin ang artikulo at pagkatapos ay basahin ang Santiago 1:8. Talakayin kung ano ang ibig sabihin ng dalawang akala [magdalawang-isip]. Maaari din ninyong basahin ang Mateo 6:24 at Josue 24:15. Ano ang itinuturo sa atin ng artikulong ito tungkol sa kaugnayan ng ating mga pagpili sa ating mga pagnanais? Ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa ating Ama sa Langit? Ano ang ginawa ni Angelica para mahanap ang mga sagot sa kanyang mga tanong? Isiping patotohanan ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan at panalangin.
“Ang Tungkulin,” pahina 68: Ikuwento ito. Isiping talakayin kung paano makakatulong sa iba ang mga talento ng inyong mga kapamilya sa pamamagitan ng paglilingkod at mga tungkulin sa Simbahan. Mangakong pag-aralan o paghusayin pa ang isang talento o kasanayan.