2011
Maiikling Balita sa Buong Mundo
Hulyo 2011


Maiikling Balita sa Buong Mundo

Inilabas Na ang Binagong Teachings of the Living Prophets

Inilabas na ng Church Educational System ang isang bago at makulay na manwal na, Teachings of the Living Prophets. Binibigyang-diin sa bagong manwal ang kahalagahan ng mga makabagong propeta, inilalarawan ang tungkulin ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol, at ipinaliliwanag ang paghahalili sa Unang Panguluhan.

Ang manwal ay mabibili sa store.lds.org o sa mga distribution center sa buong Estados Unidos. Ang manwal ay kasalukuyang makukuha sa Ingles at Espanyol at isinasalin sa iba pang mga wika.

Sa Simbahan Idinaos ang Pagtatanghal ng Iba’t Ibang Relihiyon

Isang musikal na pagtatanghal ng iba’t ibang relihiyon na nagtatampok ng kanta, sayaw, banal na kasulatan, at mga panalangin mula sa iba’t ibang tradisyong pangrelihiyon ang idinaos noong Linggo, Pebrero 20, 2011, sa Tabernacle sa Temple Square.

Ilang kaganapan sa mga lokal na sinagoga, kapilya, templong Hindu, at iba pang mga lugar ang idinaos bago ang konsiyerto sa araw ng Linggo at nagtanghal ng mga tradisyon ng mga relihiyon sa komunidad ng Utah.

Ang Interfaith Music Tribute ay nagsimula noong 2002 Olympic Games at idinaraos tuwing Pebrero.

© 2007 IRI