2011
Magkakasama Magpakailanman
Hulyo 2011


Magkakasama Magpakailanman

“Kanyang ibabaling ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga ama” (3 Nephi 25:6).

  1. Bago inilaan ang templo malapit sa bahay nila, niyaya ni Olivia ang kanyang lola na sumama sa kanya sa open house ng templo.

    Masaya po ako at sumama kayo sa amin sa open house, Lola.

    Salamat at niyaya mo ako. Mula nang pumanaw ang Lolo mo medyo naging malungkutin na ako.

    Nangungulila rin po ako sa kanya.

  2. Pagsapit mo ng 12 taong gulang, makakapunta ka na rito para magpabinyag para sa mga patay.

    Sabik na po ako.

  3. Sinabi po sa akin ni Inay na kapag nagpupunta sila ni Itay sa templo, puting damit ang suot nila.

    Totoo ‘yan.

  4. Ang mga pagbubuklod ay isasagawa sa silid na ito. Tumayo ka sa harap ng salamin na ito at tumingin ka sa salamin sa kabilang panig ng silid. Ano ang nakikita mo?

    Ipinapakita rito na tayo ay walang hanggan.

    Tulad po ng ating pamilya, tama po ba? Makikita po nating muli si Lolo balang araw.

    Tama ka. Kung susundin natin ang mga utos, makakapiling natin si Lolo at ang buong pamilya natin dahil nabuklod tayo sa templo.

  5. Sinundan nina Olivia at Lola ang tour guide papasok sa selestiyal na silid ng templo.

    Gusto ko po ang nadarama ko rito. Masaya po ako.

    Ako rin.

  6. Mahal ko po ang templo, Lola. Balang araw, paglaki ko, babalik ako at dito magpapakasal. Masaya po ako na ang buong pamilya natin ay maaaring magkasama-sama magpakailanman—pati na si Lolo.

    Tama. Labis akong nagpapasalamat para sa templo, sa open house, at sa iyo.

Mga paglalarawan ni Scott Peck