2011
Araw ng mga Pioneer sa Tahiti
Hulyo 2011


Araw ng mga Pioneer sa Tahiti

Mahal ng mga bata sa Papeete Tahiti Stake ang mga pioneer! Nagtipon sila kasama ang kanilang mga magulang para sa aktibidad sa Araw ng mga Pioneer para parangalan ang mga pioneer na naglakbay sa Salt Lake Valley noong 1847.

Gumawa ng bagon na pang-pioneer ang bawat ward—ang ilan ay ginawang may mga gulong ng bisikleta at ang isa ay may mga kabayong gawa sa karton. Nagparada ang mga bata, naglaro ng mga laro ng pioneer, at kumain ng masasarap na pagkain.

Ang Araw ng mga Pioneer ay isa ring espesyal na araw para alalahanin ang mga tao sa bawat bansa na tumanggap sa ebanghelyo at tumulong na ituro ito sa iba. Lahat ng taong ito ay mga pioneer din!

Ang pamilyang ito ay magkakaterno ang bunete, epron, at suspenders.

Hinila ng mga batang lalaki ang may takip na bagon ng kanilang ward sa parada.

Ang ilan sa mga batang babae ay nagsuot ng mga palda at buneteng pang-pioneer.

Ang ilan sa mga batang lalaki ay nagsuot ng sumbrero at bandana.

Mga larawang kuha ni Michael Moody