2011
Bakit mahalagang maglingkod sa kapwa?
Hulyo 2011


Natatanging Saksi

Bakit mahalagang maglingkod sa kapwa?

Mula sa “Hindi Makasariling Paglilingkod,” Liahona, Mayo 2009, 93–96.

Nagbahagi si Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol ng ilang ideya tungkol sa paksang ito.

Elder Dallin H. Oaks

Ibinigay ng ating Tagapagligtas ang Kanyang sarili sa di-makasariling paglilingkod. Itinuro Niya sa bawat isa na dapat natin Siyang Sundin sa pamamagitan ng pagwawaksi sa ating sarili ng makasariling interes upang makapaglingkod sa iba.

Sa pagtanggap ng sakramento tuwing Linggo, pinagtitibay natin ang ating pangako na paglilingkuran ang Panginoon at ang ating kapwa.

Itinuro ni Jesus na tayong sumusunod sa Kanya ay dapat maging mahalaga at natatangi, na tatanglaw sa lahat ng tao.

Mas maligaya tayo at mas nasisiyahan kapag tayo ay gumagawa at naglilingkod dahil sa ating maibibigay, hindi dahil sa matatanggap natin.

Mga paglalarawan ni Steve Kropp