2011
Kontra ba ang Simbahan sa lahat ng video game o yaon lamang mga nagpapakita ng karahasan?
Hulyo 2011


Kontra ba ang Simbahan sa lahat ng video game o yaon lamang mga nagpapakita ng karahasan?

Maraming video game na malinis, nagpapatalas ng isip, at nakakatuwa, at may mga multiplayer game na masayang laruin sa pagtitipun-tipon. Hindi kontra ang Simbahan sa mga video game, ngunit ang mga kabataan ay hinihimok na maging matalino sa pagpili ng mga laro at sa haba ng oras na iuukol dito. Inutusan tayong huwag sayangin ang ating oras (tingnan sa D at T 60:13). Hindi komo malinis at nakakatuwa ang isang bagay ay makabuluhan nang gawin.

Ipinaliwanag ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng labindalawang Apostol: “Ang isa sa mga ginagawa ni Satanas … para pahinain ang inyong espirituwal na lakas ay hikayatin kayong gumugol ng maraming oras sa mga bagay na di-gaanong mahalaga. Kasama na rito ang paggugol ng maraming oras sa panonood ng telebisyon o video, paglalaro ng mga video game gabi-gabi, [o] pagbababad sa Internet” (“Be Strong in the Lord,” Ensign, Hulyo 2004, 13).

Hindi masamang maglaro sandali ng mga video game na akma sa mga pamantayan ng media na matatagpuan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. Ngunit dapat ay handa rin kayong isara ang telebisyon o computer at gumawa ng iba pang bagay. Huwag ninyong hayaang maging hadlang ang mga video game sa paggawa ng mga makabuluhang gawain tulad ng pag-eehersisyo, pag-aaral ng ebanghelyo, paggawa ng takdang-aralin sa paaralan, o pag-uukol ng oras sa inyong pamilya.