2014
Ako si Barbara na mula sa Chile
Oktubre 2014


Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Ako si Bárbara na mula sa Chile

¡Hola, amigos!*

Nakatira si Bárbara sa Chile, isang bansa sa kanluraning baybayin ng South America. Ito ay mahaba at makitid at korteng laso. Ang ilang lugar ay mainit at tuyo (tulad ng Atacama Desert), at ang ilan ay maalinsangan at basa (tulad ng Easter Island). Nakatira siya sa kabisera ng Chile, ang Santiago.

  • “Hello, mga kaibigan!” sa wikang Espanyol

Ako lang ang miyembro ng Simbahan sa klase ko sa paaralan. Binibigyan ako nito ng pagkakataong magkuwento sa mga kaibigan ko tungkol kay Jesucristo at sa Aklat ni Mormon. Minsan hiniling sa akin ng matalik kong kaibigan na turuan ko siyang magdasal. Ginawa ko nga iyon. Pagkatapos ay pareho kaming nagdasal nang magtanghalian kami sa paaralan.

Ako ay siyam na taong gulang at may dalawang nakababatang kapatid na lalaki. Sinisikap kong maging mabait na ate at tumutulong sa pag-aalaga sa kanila at nakikipaglaro sa kanila. Mahilig akong mag-alaga ng mga bata. Gusto kong maging guro paglaki ko.

Noong 2013 nagwalong taong gulang ako at bininyagan at kinumpirma ng tatay ko. Tuwang-tuwa ako! Hindi ko malilimutan ang espesyal na karanasang iyon.

Ipinagdiriwang namin ang masasayang pista-opisyal sa Chile. Ika-18 ng Setyembre ang Independence Day, at ika-19 naman ang Armed Forces Day. Sa dalawang araw na ito, sinasayaw namin ang aming pambansang sayaw na tinatawag na “La Cueca” at kumakain ng masasarap na pagkain na tinawag na empanadas.

Tuwing katapusan ng linggo, gustung-gusto ng pamilya ko na mag-hiking at magmaneho ng four-wheeler sa kabundukan malapit sa bahay namin. Mahilig din kaming pumunta sa beach.

May espesyal na pagkain kami tuwing Pasko—kamatis na pinalamanan ng tuna. Sa Chile, dumarating si Santa Claus nang eksaktong hatinggabi sa Bisperas ng Pasko. Hindi kami natutulog hangga’t hindi siya dumarating!

Kanan: larawan ng bag na idinrowing ni Thomas S. Child