2014
Ang Ating Pahina
Oktubre 2014


Ang Ating Pahina

Isang araw, bago ako nabinyagan, nasa bahay ako ng lola ko nang magpunta siya sa silong para kunin ang isang bagay. Natisod siya at natumba at hindi na makatayo. Tinawag niya ako, pero nanonood ako ng TV at hindi ko siya narinig. Pagkaraan ng mga 10 minuto, narinig ko nang mahina ang pangalan ko, “Tom!” Hinanap ko siya at nakita ko siyang nakahiga sa sahig. Hindi ko siya kayang itayo, kaya tumakbo ako sa kapitbahay. Pumunta siya sa amin at tinulungang tumayo si Lola.

Sabi ni Lola, “Tom, ang Espiritu Santo ang narinig mo. Napakalayo ko sa iyo para marinig mo ako.”

Alam ko na ang Espiritu Santo ang bumulong sa akin. Ngayon ay nabinyagan na ako, at natutuwa akong magkaroon ng kaloob na Espiritu Santo.

Tom R., edad 8, Germany

Natalia A., edad 10, Colombia

Gustong tumulong ni Olivia I., edad 8, mula sa Romania, sa kanyang ina sa paglilinis ng bahay. Ang kanyang ina ang nagtuturo sa kanya at sa 13 pang kaibigan niya, at kapag nagpapahinga sila ay gusto niyang magkunwaring siya ang guro. Gusto niyang magbiyahe kasama ang kanyang mga magulang at makasama ang kanyang lolo’t lola. Nang binyagan siya pakiramdam niya ay napakalapit niya sa Ama sa Langit, at nagpapasalamat siya na maaaring mapasakanya ang Espiritu Santo para tulungan siyang gumawa ng mga desisyon. Ang paborito niyang awitin sa Primary ay“Propeta’y Sundin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 58).

Liu C., edad 7, Ecuador

Gusto ni Thierry M., edad 7, mula sa Brazil, na dumalo sa Primary at kumanta ng mga himno. Alam niya na ang templo ay bahay ng Panginoon.

Gusto kong magsimba kasama ang aking pamilya at mag-aral tungkol kay Jesucristo. Kapag nasa bahay gusto kong basahin at alamin ang mga kuwento sa mga banal na kasulatan, kumanta ng mga himno, at maglaro sa family home evening. Pinagpala ng ebanghelyo ni Jesucristo ang aking pamilya, at pinapasaya ako nito. Binigyan ko ng Aklat ni Mormon ang tatlong guro sa paaralan ko at ang pamilya ng matalik kong kaibigang si Miguel.

Martim P., edad 6, Portugal